^

Punto Mo

Flying car sa Japan, sumailalim na sa test flight

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Japan ang isinapubliko ang kanilang prototype flying car na nagawa nilang mapalipad para sa test flight nito.

Inanunsiyo ng SkyDrive Inc. ang matagumpay na test flight ng kanilang SD-03 flying car model sa Toyota Test Field sa Toyota, Japan. Nagawang lumipad ng “flying car” sa loob ng apat na minuto.

Ang SD-03 ay isang single-seat flying car at sinasabing ito ang pinakamaliit na sasakyan sa mundo na kayang mag-vertical take off o lumipad pataas nang walang buwelo.

Aakalaing motorsiklo na kinabitan ng apat na propeller    ang SD-03. Sa pamamagitan ng mga propeller na ito ay kayang lumipad ng SD-03 ng 10 minuto, na nais pang patagalin ng kompanya ng 30 minuto.

Plano ng SkyDrive na maibenta sa publiko ang kanilang flying car pagdating ng 2023.

vuukle comment

FLIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with