^

Punto Mo

Dapat nang makabangon ang ekonomiya!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Inaantay kung may pagbabago sa quarantine status sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. 

Tuluyan na nga kayang sumailalim sa bahagya pang kaluwagan ang NCR na ngayon ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ)?

Pwede na kaya itong gawing modified GCQ na inaasahang mas magbibigay pa ng kaluwagan o mananatili pa ito sa GCQ, gaya naman ng panukala ng ilang eksperto sa UP.

Pero eto ang ‘wag na sanang mangyari eh bumalik tayo sa mas istriktong quarantine.

Mismong ang DOH, hindi na ito irerekomenda dahil magkakaroon na ng matagal na epekto sa ekonomiya ng bansa.

Gaya nga ng sinasabing paghahanda ng ahensya mas kailangan ngayon na mapalakas ang bilang at kapasidad ng mga quarantine facilities para umano sakaling magkaroon ng surge o pagtaas sa kaso kasabay sa pagbubukas ng   ekonomiya kaya itong mai-manage.

Base sa datos,   sa second quarter pa lamang ng taon sumadsad na nang husto ang ekonomiya na itinuturing na pinaka- worst  na naitala simula 1981. At sa pagtatapos ng 2020, inaasahan ng mga eksperto sa ekonomiya na tuluyan pa itong sasadsad.

Kaya nga ang tanging maitutulong ng mga mamamayan para muling makabangon hindi lang ang pamahalaan kundi ang lahat ng pamilyang Pinoy, eh sumunod na sa mga ipinaiiral na safety at health measures.

Mas madali itong gawing kaysa naman tuluyang malugmok at maapektuhan ang hanapbuhay at ikinabubuhay kung tumaas ang kaso ng COVID at muling bumalik sa mas istriktong quarantine. Gaya ng madalas nating sinasabing tiis-tiis lang, matatapos din yan.

 

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with