^

Punto Mo

Katiwalian sa PhilHealth, mistulang bomba na sumambulat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mistulang isang malakas na bomba na sumabog ang nabunyag na mga katiwalian sa loob ng PhilHealth.

Sa mga nakalipas na pagdinig sa Senado at maging sa Kamara, aba’y talagang nakakalula ang mga sumambulat na anomalya at korapsiyon sa ahensya.

Matataas na opisyal pa nito ang itinuturong sangkot, hanggang sa umabot nga sa puntong ‘‘mafia’’ na ang tawag sa grupong dawit sa katiwalian.

Bagama’t marami na rin sa mga executives nito ang nagbitiw na sa puwesto, habang inihahanda ang paghaharap ng kaso sa mga sangkot, ang malaking problema ngayong kinakaharap ng ahensya ay ang matindig pag-aagam-agam ng mga miyembro ng PhilHealth na ang ilan pa nga ay parang ayaw nang magbayad ng kontribusyon.

Bukod nga sa talagang naapektuhan na ang koleksyon ng ahensya dahil sa COVID-19 pandemic, maraming miyembro ang mukhang desididong bumitaw na sa pagbabayad dahil sa mga nabulgar na mga katiwalian.

Karamihan pa naman sa talagang nagnanais na maging miyembro nito eh karamihan ay mga mahihirap.

Ito ‘yung aasa lang sa benepisyo na makukuha nila sa PhilHealth sakaling sila ay maospital.

Wala naman silang kakayahan na kumuha ng    health insurance, tapos nga ay ganito pa ang nangyari.

May apela naman ang ahensya sa mga miyembro nito na ipagpatuloy ang pagbabayad ng kontribusyon para sa makapagpatuloy din ang mga programa  para sa kanilang medikal na pangangailangan.

Hindi naman kasi biro ang 15 bilyong pondo na sinasabig nawaldas dahil sa kurakot.

Dapat talagang mapanagot ang mga sangkot dito at dahil nga sa galit ng maraming miyembro sa nangyari sa pondo ng korporasyon, bitay ang nais nilang maging kaparusahan sa naglustay at nagkorap sa pondo nito.

Ganyan katindi ang kanilang galit.

Intayin natin ang pangako ni Pangulong Digong na uusigin niya ang mga dawit dito, sisiguraduhin umano niya na mapaparusahan ang mga ito, bago matapos ang kanyang termino.

Well, wait na lang muna tayo kung magkakatotoo.

 

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with