^

Punto Mo

‘Reyna’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG February ng kasalukuyang taon, dumating ang aking ina mula sa Australia para magbakasyon dito sa Pilipinas. Ang pamilya kasi ng aking kapatid ay nakatakdang magbakasyon noon sa Spain. Ayaw sumama ng aking ina. Mas pinili niyang sa Pilipinas magbakasyon.

Napagdesisyunan na aking ina na tumigil sa aming bahay sa Laguna. Mas enjoy siyang manirahan sa sarili niyang bahay kaysa bahay ko dito sa Quezon  city. Unawang-unawa ko ang kagustuhan ng aking ina.

Sa Laguna, bagama’t  kasambahay lang ang kasama ay malayang-malaya siyang makapamumuhay ng ayon sa kanyang kagustuhan. Siya ang reyna roon.

Labingwalong taon kaming laging nakikitira sa ancestral house ng aking ama. Kasama na-ming namumuhay ang pamilya ng aking tiyahin. Pagkaraan ng ika-18 taong pagsasama nila ng aking ama ay saka lamang siya nagkaroon ng sariling tahanan. Pero sandali lang ang kalayaang iyon dahil maagang namatay ang aking ama.

Nang magkaroon ako ng asawa ay isinama ko na siya sa aking bahay sa Quezon city. Siyempre, ako ang reyna sa sarili kong pamamahay. Naulit na naman ang “pakikitira” niya sa bahay ng iba.

Nang ipetisyon siya ng aking kapatid sa Australia, ipinagpatuloy na naman niya ang “pakikitira” sa bahay ng aking kapatid. Kung tutuusin pagod na pagod na siguro siya sa “pakikitira” sa bahay nang iba kaya kapag nagkakaroon ng pagkakataong magbakasyon dito sa Pilipinas, sa sarili niyang bahay sa Laguna ang ninanais niyang tirahan.

Inabot siya ng pandemya kaya naroon pa rin siya sa Laguna. Babalik siya dapat noong July. Na-extend ang bakasyon niya. Hindi man nagsasalita, pakiramdam ko ay nasisiyahan siya. Masayang masaya siya sa kinasabikan niyang “kalayaan” at pagiging reyna ng kanyang munting “kaharian”.

 

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with