^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (153)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINAGABIHAN, nag-istak na naman si Ziarah ng mga kailangan sa kanyang kuwarto – tubig, biscuit, kape, asukal, gatas at iba pang pagkain. Kailangang maghanda siya dahil posibleng ka­sama ni Jonas ang malan­ding si Kat ngayong ga­bing ito.

Hindi tiniyak ni Jonas pero maaaring magkita sila ni Kat. Pero hindi raw tiyak iyon at ang sinabi lang nito ay hindi siya uuwi ngayong gabi. Ganun lang. At hintayin daw ang pag-text.

Nang maihanda ni Ziarah ang lahat nang mga kailangan niya sa kuwarto ay kumain na siya ng hapunan. Mabuti nang busog siya para kung biglang dumating sina Jonas at Kat ay ready na siyang magtago o magkulong sa room niya.

Pinatay niya ang ilaw sa salas nang mag-alas nuwebe ng gabi. Nakaupo lang siya sa sopa at naghihintay ng text mula kay Jonas.

Pero nag-alas diyes na ng gabi ay wala pang text.

Naghintay pa siya.

Hanggang sa mag-alas onse ng gabi.

Nagtataka na si Ziarah kung bakit wala pang text messages si Jonas.

Baka naman hindi na sila pupunta rito?

Baka sa hotel na lang?

Sana nga.

Ayaw niyang pumunta rito ang talipandas na babae. Pakiramdam niya, nagdadala ng malas si Kat sa bahay na ito.

Pawang kamunduhan ang alam ng babaing iyon. Pati si Jonas ay inaakay sa kalaswaan.

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with