^

Punto Mo

Aso, humingi ng saklolo para sa 88-anyos na amo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAYANI ang turing ngayon sa isang aso sa California matapos magawa nitong makahingi ng saklolo para sa 88-anyos niyang amo na natumba sa loob ng kanyang bakuran.

Kita sa kuha ng home security camera ang pag­lapit ng asong si Sandy sa trash collector na si Kirk White para humingi ng tulong para sa among si Johnson Glendale.

Ayon kay White, agad niyang napansin na sinusubukan ng aso na kuhanin ang atensiyon niya.

Sa paraan daw ng pagtahol ng aso ay malinaw raw na may gusto itong ipakita sa kanya sa loob ng bakuran ni Glendale.

Dahil dito, sinundan ni White si Sandy papasok ng bakuran at doon na nga niya nakita ang nakabulagtang amo nito na si Glendale.

Natumba pala si Johnson at dahil sa katandaan ay hindi niya magawang makatayo muli. Napansin niyang dumaan sa harap ng bahay niya ang mga basurero ngunit hindi naman niya makuha ang atensiyon ng mga ito.

Mabuti na lamang at nasa tabi niya si Sandy, at ito ang gumawa ng paraan para mapansin ng isang basurero — si White nga.

Tinulungan ni White si Johnson na makatayo at sini­gurado niyang maayos ang kalagayan ng matanda bago siya umalis.

Dahil sa ipinakitang kabayanihan, marami ang pumuri kay Sandy, kabilang na si White na gusto na ring magkaroon ng alagang aso.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with