^

Punto Mo

Sakit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TUWING lalabas ako ng bahay, biglang titigil ang pagkukuwentuhan ng mga babaing nakaupo sa bangko na sadyang inilagay sa tabi ng kalsada para upuan nila habang nagkukuwentuhan. Parang salas lang nila ang kalsada. Kapag ako ay lumabas na sa aming gate, bigla nilang ititigil ang kuwentuhan. Katahimikan. Ang kanilang paningin ay nasa aking direksiyon. Pinapanood nila ang bawat kilos ko. Kapag tiningnan ko naman sila ay pulos nakamanga. Walang intersadong bumati. Basta’t mukhang mga tanga na nakatingin lang sa akin. Naka­parada ang aming sasakyan sa tapat ng aming bahay. Hihintayin akong makasakay sa kotse at saka magbabalikan sila sa pagkukuwentuhan.

Mula sa bintana ng second floor ay pinagmamasdan ng aming kasambahay ang galaw ng mga babaeng nakaupo sa bangko. Nakatago siya dahil narinig niya na may bumanggit sa aking­ pangalan.

“Ate pag-alis ng inyong kotse, biglang nagkuwentuhan at narinig kong paulit-ulit binanggit ang iyong pangalan. Hindi ko malinaw na naririnig ang pag-uusap pero may narinig akong salitang “stroke”. Tapos may nagsalita pa na, “parang pilay”. Sandaling magbubulungan at mag­hahagikgikan.”

Noon ay isang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ako ay ma-stroke. Ako lagi ang “pinupulutan” ng mga babaeng iyon sa kanilang umpukan. Minsan ay tinangka pang tsikahin ang aming kasambahay para tanungin kung saan ako nagpapa-check-up at ano ang malinaw na nangyari sa akin nang minsang naiwan itong mag-isa sa bahay. Tiniyempuhan siya habang nagwawalis sa tapat ng bahay. Buti na lang at “street smart” itong kasambahay, marunong mambara.

“Wala ho akong alam. Bakit ako ang tinatanong n’yo? Tanungin n’yo ‘yung mismong amo ko!”

Isa pala sa pinakamasakit gawin sa iyo ng ibang tao ay ipagdiwang nila ang iyong kasawian. Palibhasa ay nasa “lowest point” ako noon ng aking buhay, napapaiyak na lang ako sa sumbong ng kasambahay. Masakit na alaala iyon ng 2007.

Taong 2020. Ang mga babaeng ang tanging libangan ay maupo sa bangko na nasa tabi ng kalsada at pag-usapan  ang buhay nang may buhay ay isa-isang nawala sa aming lugar, kung hindi lumipat ng bahay ay lumipat sa kabilang buhay. Ang pinakahuli ay kakatawag lang sa kanya ni Lord. Ubos na ang mga babaeng mahilig maupo sa bangko sa tabi ng kalsada. Ewan kung coincidence, mabigat na sakit ang ikinamatay nila.

“Sometimes you have to walk away and let karma take over.” – unknown

vuukle comment

BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with