^

Punto Mo

Ari-arian ng may pagka­kautang, maari bang kamkaming basta-basta kung hindi makabayad?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May malaki po akong pagka­kautang at sa kasalukuyan ay medyo hirap ako sa pagbabayad ng buwanang hulog para sa inutang ko. Bagama’t hindi ko naman po ginawang kolateral ang motor ko ay binantaan po ako ng pinagkakautangan ko na siya raw mismo ang hahatak sa motor ko upang iyon ang magsilbing bayad sa utang ko sakaling hindi ko mabayaran ang hulog ko sa susunod na buwan. Maari po ba niya talagang gawin ito?— Allen

Dear Allen,

Hindi maari at labag sa batas ang banta ng pinagkakautangan mo na kakamkamin niya ang motor mo bilang kabayaran sa iyong utang.

Wala namang kuwestiyon na kailangan mong tuparin ang obligasyon mong magbayad ng utang ayon sa inyong napagkasunduan. Dahil obligasyon mo ito ay may karapatan ang pinag­kakautangan mo na sumangguni sa mga kinauukulan upang ipa­tupad ang inyong mga napagkasunduan.

Kabilang na rito ang pagpunta sa barangay kung kayo ay nakatira lamang sa iisang barangay. Kung hindi kayo mapagkasundo sa lebel ng barangay o kung sa magkaibang lugar kayo nakatira ay maaring dumulog sa korte ang pinagkakautangan mo at sampahan ka ng kaso upang mapilitan kang magbayad ng inutang mo.

Iyan lamang ang maaring gawin ng pinagkakautangan mo kung sakaling ikaw ay hindi makapagbayad. Hindi niya maaring kamkamin ang motor mo bilang kabayaran sa iyong utang. Sa katunayan nga ay hindi niya basta-basta makakamkam ang iyong motor kahit pa ginawa mo itong kolateral sa utang dahil may proseso bago ito maipahatak.

Kung ipipilit niyang may karapatan siyang hatakin ang motor mo kung hindi ka makapagbayad sa utang mo ay sabihan mo siya na maari siyang maharap sa kasong light coercion kaya baka siya pa ang makulong kung ipagpilitan niya ang gusto niyang mangyari.

Gayunpaman, mas mabuti pa rin kung makikipag-usap ka ng mahinahon sa iyong pinagkakautangan at ipaliwanag ang sitwasyon mo. Hanggang sa maari ay bayaran mo ang iyong utang upang hindi na maging masalimuot pa ang mga isyu sa pagitan n’yong dalawa.

 

vuukle comment

MOTORCYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with