^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi magandang plano ng DOTr

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi magandang plano ng DOTr

MAY plano ang Department of Transportation­ (DOTr) na maningil ng toll fee sa kahabaan ng EDSA. Bagama’t binawi na ng DOTr ang unang pinahayag noong Biyernes, nag-iwan naman ito ng pagkabalisa sa mga motorista. Sinabi ni DOTR Assistant Secretary Alberto Suansing na ang proposal na paglalagay ng toll way sa EDSA ay makakatulong para mabawasan ang trapik bukod pa sa makadaragdag nang malaki sa revenue ng pamahalaan ang makokolektang toll fee. Kapag naaprubahan, sisimulan ito sa susunod na taon, sabi ni Suansing.

Ayon kay Suansing, ang paniningil ng toll fee ay mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga­ at mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi. Maaaring magsimula ang toll sa Quezon Ave­nue hanggang Roxas Blvd. Uniform umano ang charges sa mga motorista at gagamitin dito ang Radio Frequency Identification (RFID) tech­nology­ tuluy-tuloy ang paglalakbay ng mga moto­rista.

Maraming tumutol sa balak ng DOTr. Sa halip daw na lagyan ng toll isaayos na lang ang gina­gawang proyekto sa EDSA kung saan, nasa kaliwa ang mga bus at may sariling sakayan at ba­baan ang mga pasahero. Mas maganda raw ito sapagkat hindi maaagawan ng lane ang mga pribadong sasakyan sa kanang lane. Lagyan daw nang maayos na shades ang mga pasaherong bababa at sasakay ay okey na ang EDSA.

Isa pa, kung maniningil ng toll, dapat pagan­dahin ang EDSA. Hindi dapat baku-bako ang kal­sada. Sa kasalukuyan, pawang tapal-tapal lamang ang kahabaan ng EDSA. Maari bang maningil ng toll kung masama ang daraanan ng mga sasakyan. Parang hindi tama na maniningil ng toll pero baku-bako ang EDSA.

Hindi maganda ang planong ito at mabuti  naman at binawi agad. Kailangang mag-isip pa nang malalim ang taga-DOTr para naman hindi ma­pin­tasan. Sa kasalukuyang ang mamamayan ay tuliro na sa pandemya, hindi dapat ligaligin sa mga planong pandagdag sa pasanin at gastos dahil­ marami ang walang hanapbuhay.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with