Lumang rubber shoes ni Jordan, binili ng $615,000!
ISANG pares ng rubber shoes na sinuot ni Michael Jordan sa isang 1985 exhibition game ang naibenta ng tumataginting na $615,000 (katumbas ng halos P30 milyon) sa isang auction.
Ayon sa auction house na Christie’s, pinirmahan pa ni Jordan ang Nike Air Jordan 1 High sneakers, na sinuot ng basketball legend sa isang exhibition game sa Trieste, Italy.
Bukod sa pirma ni Jordan, kakaiba rin daw ang rubber shoes dahil may nakabaon pang bubog sa kaliwang pares. Nagmula ang bubog mula sa backboard ng ring na nabasag dahil sa lakas ng ginawang slam dunk ni Jordan.
Ang pares daw na ito ang pinakamahal na rubber shoes ni Jordan. Nahigitan ng presyo nito ang isang pares din ng rubber shoes ni Jordan na naibenta sa halagang $560,000 (P27.2 milyon) nitong unang bahagi ng 2020.
- Latest