^

Punto Mo

Pinasikat ng isang putok

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Queen Victoria ng United Kingdom  ay naging reyna sa edad na 18 mula 1837 hanggang 1901. Ang tatlo niyang tiyuhin na dapat magmana ng korona ay naunang pumanaw sa kanyang ama. Kaya sa ayaw man niya at sa gusto, siya ang kahalili sa trono ng kanyang ama. Sa halip na ikatuwa ni Victoria ang ipinamanang kapangyarihan, ang pakiramdam niya ay ito’y isang pasakit. Mahina ang “appeal” niya sa masa dahil sa mga sumusunod:

1. Bata pa siya at pakiramdam ng mga tao ay hilaw pa siya para mamuno ng isang malaking kaharian.

2. Hindi boto ang mga tao sa kanyang napangasawa, si Prince Albert dahil minamaliit nila ang pinagmulan nitong pamilya at bansa. Ang kahariang pinamumunuan ng kanilang pamilya ay maliit pa raw sa isang rehiyon sa England.

Isa sa mga taong hindi sumasang-ayon sa pagiging reyna ni Victoria ay si Edward Oxford. Si Edward ay nagtatrabaho bilang waiter sa restaurant ng kanyang tiyahin. Sapul pa sa pagkabata, siya ang basag-ulero na. Upang hindi na masangkot sa gulo, minsan ay ikinulong siya ng kanyang ina sa bodega ng kanilang bahay.

Sa pagkulong ng kanyang ina, lalong sumagad ang pagiging tarantado ni Edward. Naisip niyang patayin si Queen Victoria para siya sumikat. Naniniwala siya na ikasisikat niya iyon dahil maraming tao ang ayaw sa reyna. Ibinili niya ng baril ang perang naipon niya sa pagtatrabaho noon bilang waiter. Tapos nagpraktis siya ng paggamit ng baril sa isang shooting gallery.

Isang araw ay nabalitaan niyang magpa-public appearance ang mag-asawang Queen Victoria at Prince Albert. Naghintay siya ng tiyempo. Nagtago siya sa likod ng malaking puno. Nang tumapat sa  kinaroroonan ni Edward ang karwahe, dinukot niya ang baril na nakatago sa kanyang damit at saka ito pinaputok sa direksiyon ni Queen Victoria.

Nagsigawan ang mga tao. Kanya-kanyang takbo para maghanap ng mapagtataguan. Ngunit sumablay ang bala at dinding ng karwahe ang tinamaan. Dumating ang mga otoridad at nahuli si Edward Oxford. Lumitaw sa pinagtataguan ang mga tao, pinalibutan si Edward at galit na galit na nagsigawan: Patayin…patayin…ang lalaking ‘yan!

Nang mga sumunod na araw ay nagpakitang muli si Queen Victoria sa publiko, upang ipaalam na okey na siya at wala dapat silang ipag-alala. Tuwang-tuwang nag-chant nang paulit-ulit ang mga tao ng : God save the Queen!

Iyon ang senyales na tinanggap na nila sa kanilang puso ang reyna. Naging popular sa mga tao si Queen Victoria. Kabaliktaran sa inaasahan ni Edward, ang reyna ang sumikat at hindi siya. Hindi siya nakulong dahil idinahilan ang kanyang pagiging baliw.

“It is worth being shot at, to see how much one is loved”—Queen Victoria, 1882

vuukle comment

UNITED KINGDOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with