^

Punto Mo

Sampolan na, nang magtanda!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang buwang pagkakakulong ang iminumungkahi ni DILG Undersecretary Martin Dino sa mga mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask sa labas ng kanilang bahay.

Kabilang rin dito ang may face mask nga sa mukha hindi naman tama ang pagkakasuot.

Bahagi ito sa istriktong GCQ na pinaiiral sa Metro Manila.

Napapanahon na umano para maipatupad ang mas mahigpit na batas sa mga ‘‘pasaway’’ o sa mga patuloy na lumalabag sa pinaiiral na health protocol.

Kasama sa kanyang rekomendasyon  na maging unified parusa sa mga lalabag sa quarantine protocol.

Kung sabagay kailangan siguro na may masampolan para matakot o madala.

Kapansin-pansin na marami talaga ang tila hindi sineseryoso ang pandemya.

May ilan pa rin na masasaksihan na patuloy sa paglabag, eh kung sampalon ng parusa baka madala at huwag nang gayahin ng iba.

Bukod sa kulong, irerekomenda rin na maging pare-pareho ang mga ipapatupad na multa sa mga lalabag.

Ngayong niluwagan na ang quarantine, inaasahan ng ilan ang muling paglobo ng mga nagkaka-COVID.

‘Wag na sanang mangyari pa na muling bumalik na naman sa mga lockdown dahil 

marami na naman ang maapektuhan.

Kung hindi matututo ang matitigas ang ulo,  talaga ngang kailangang sampolan ng parusa para magtanda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with