^

Punto Mo

’Wag sanang mauwi ang lahat sa dada!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

LAHAT nang “butas,” hinahanap na ng Senado at Kongreso sa malawakang katiwalian sa PhilHealth.

Layunin ng kabilaang imbestigasyon, laging “in aid of legislation.” Ibig sabihin, mapagtibay ang mahinang sistema.

Kung kinakailangan ay dagdagan pa ng kaukulang batas para maiwasan ang ganitong uri ng katiwalian.

Sa totoo lang, pag tumagal pa ang imbestigasyon na ito, mananawa na ang taumbayan. Ang gusto ng mamamayang Pilipino, may mapaparusahan, may makukulong!

Kasi naman kung wala, mauuwi lang na naman ang mga imbestigasyong ito sa puro dada.

Kung babalikan, taong 2012 nag-umpisa ang Interim Reimbursement Mechanism sa pamamagitan ng all case rate. Ito yung “fix” rate na binabayad ng PhilHealth sa mga hospital.

Nadiskubre ang kalokohan sa sistemang IRM ngayong 2020 na lamang. Lumalabas, ang IRM ay “cash advances” para sa mga hospital.

Etong pakete na ginawa ng PhilHealth para sa COVID-19 kung saan: P43,997 for mild pneumonia; P143,267 for moderate pneumonia; P333,519 for severe pneumonia at P786,384 for critical pneumonia/coronavirus disease – overpricing daw.

Ayon sa mga senador at congressman na nangunguna sa imbestigasyon, sobra-sobra ang binabayad ng PhilHealth na nagmula mismo sa mga ehekutibo ng ahensiya.

Lumalalim at nakakalkal na ang iba pang raket sa loob. Lumulutang na ang mga pangalan ng mga sangkot na matagal nang mga empleyado ng ahensiyang tumaas ang ranggo.

Sana naman itong imbestigasyon na nagaganap, hindi maging sarsuwela lamang katulad ng mga nakaraang imbestigasyon.

Sa madaling salita, maging daan para masibak, maparasuhan, managot ang sangkaterbang tiwali na nasa likod ng anomalya sa PhilHealth.

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with