^

Punto Mo

Bahay sa China, pinalibutan ng highway nang magmatigas sa gobyerno ang may-ari

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINALIBUTAN ng bagong tayong highway ang isang bahay sa China matapos magmatigas ang may-ari nito.

Hindi kasi pumayag ang may-ari ng bahay na ipagbenta ang kanyang bahay at lote sa gobyerno kahit na 10 taon na siyang inaalok ng bayad.

Dahil dito, napilitan ang gumagawa ng highway na biyakin ang bahagi ng kalsada na dadaan sa bahay ng nagmamatigas na may-ari.

Makikita sa footage ng lugar na napalibutan tuloy ng highway ang bahay ng kinilala lamang sa apelyidong Liang.

Ayon kay Liang, tinanggihan daw niya ang ibinabayad sa kanya ng gobyerno dahil hindi naman daw siya inihahanap nang malilipatan.

Hindi naman daw siya nagsisisi sa pagmamatigas niya dahil komportable siya sa lokasyon ng kanyang bahay kahit pa napapaligiran na ito ngayon ng isang busy na highway.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with