^

Punto Mo

Presyo ng face shield, bantayan sa mananamantala

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula sa Biyernes (August 15), magiging mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga pasahero sa lahat ng uri ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.

Hindi lang ‘yan, meron na ring mga bayan ang nagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa oras na lumabas sila ng bahay, kahit hindi pa nga sasakay sa mga pam­publikong sasakyan.

Hindi dapat ipagkamali ha, bukod pa ito sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

Nakikitang isa rin ito sa mabisang proteksyon laban sa virus.

Eto ngayon, dahil siguradong magiging in demand na naman ang face shield, nandiyan na naman ang mga mapagsamantalang trader na panigurong magtataas na naman sa presyo nito.

Kung sa mga nakalipas na araw mababa pa ang presyo nito,  habang papalapit ang August 15 sumirit ang presyo nito.

Dito dapat nakabantay ang DTI, para naman hindi maabuso ang ating mga kababayan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Samantala, kapansin-pansin pa rin na kahit na muling ipinairal ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro at karatig lalawigan dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID, marami pa rin ang tila nagbabalewala sa sitwasyon.

Kung ano ang gawi nila noon, hanggang ngayon ganun pa rin, tila walang pakiaalam na kahit ano ang ipinatutupad, balewala lang sa kanila.

Sumunod o hindi, kaya ‘di bumababa ang bilang ng tinatamaan ng virus dahil sa mga pasaway.

Patuloy tayong aantabay kung mababawasan sa ilalim ng MECQ ang bilang ng nagkaka-COVID sa bansa, kung hindi, ibig sabihin nito marami pa talagang hindi siniseryoso ang mga ipinatutupad na health protocol.

Marami pa rin ag pasaway.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with