^

Punto Mo

Police visibility, pinaigting vs ‘pasaway’ sa health protocols

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung dati kapag pinaiigting ang police visibility, ito ay laban sa mga kawatan na naglipana sa mga lansangan.

Ngayon, mas paiigtingin ang police visibility, puwedeng laban din sa mga ito, pero kasama na rin dito ang mga pasaway sa community quarantine.

Kung dati, ikinakalat ang puwersa ng mga pulis sa mga paligid ng mga paaralan at mga terminal at iba pang matataong lugar, ngayon mas maraming pulis ang ikakalat sa mga palengke at mga pampublikong lugar para bantayan naman ang mga matitigas ang ulo.

Ito ‘yung hindi sumusunod sa itinakdang health protocols kaya hindi bumababa ang bilang ng nagkaka-COVID sa bansa.

Ayon nga kay Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. Gen. Gullermo Eleazar, na mas paiigtingin ang puwersa ng pulisya sa mga lugar kung saan ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Partikular na tututukan ang mga pasaway sa face masks. Ito ‘yung talagang hindi nagsusuot ng face mask at meron man hindi naman tama ang pagkakasuot.

Bukod dito, ang hindi pumapansin sa social distancing na mga pangunahing tagubilin at patakaran para maiwasan ang pagkahawa.

May ibat-ibang mga ordinansa o batas na ipinatutupad ang mga lokal na pamahalaan sa mga lalabag sa mga health protocols kaya nga katuwang ng pulisya ang mga barangay sa pagbabantay sa mga lalabag sa quarantine. 

Kung mahuling lumabag lalu na kung paulit-ulit na, ito may nakalaang parusa.

Pang-apat na araw na kasi nang pinaiiral na MECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan, pero sa datos na inilalabas ng DOH mukhang, hindi nababawasan at mataas pa rin ang bilang ng nagpopositibo sa virus.

Umasa pa rin tayo sa dalawang linggong MECQ, mababawasan ang bilang ng may COVID at kahit papaano ay nakatulong ito sa ating mga health workers na siyang humirit ng time-out.

 

vuukle comment

HEALTH PROTOCOLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with