^

Punto Mo

Di pa nga nag-uumpisa, banat agad!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HABANG sinusulat ko ang kolum na ito ay ongoing ang pagsasalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address para sa taong ito.

Nais ko lang balikan at pansinin ‘yung mga kolokoy, kenkoy, bobita’t epal na nagpapansin nitong weekend pa lamang.

Bago pa man ang SONA ng Pangulo, ang iingay na nitong mga kontrapelo. Pinangungunahan na ng mga pulitikong nasa oposisyon.

Hindi pa nga nag-uumpisa, binato na agad ng mga mali. Inuulan nila ng pukol ng mga negatibong kiyaw-kiyaw agad. 

Pinapangunahan na nila ang lider na siyang magsasalita at magre-report sa taumbayan. Dapat­ daw ganito, dapat ganyan.

Hello, puwede bang pagsalitain n’yo muna’t pakinggan ang mga lalabas sa bibig niya?

Tutal diyan naman kayo magaling, bantayan ang kilos at galaw ng iba at pukulin kapag hindi umayon sa inyong kagustuhan.

Ano ba ang gustong palabasin ng mga ‘to? Na kapag hindi nila narinig sa Pangulo ng bansa ang mga gusto nilang marinig ay mayroon na sila ulit pambato sa administrasyon?

Ang problema, laging ganoon ang inyong tono, walang pagbabago. Ke iingay, wala namang satsat at katuturan ang pinagsasabi.

Kayo talaga, mga sangkaterbang MEMA. Me-masabi lang, me-makontra lang, me-mapuna lang! 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with