^

Punto Mo

Pananamantala ng private hospitals sa nurses

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BIRUIN n’yo, tatlong Presidente ang nagdaan bago ipina­tupad ang batas na nagtataas sa suweldo ng nurses sa govern­ment hospitals. 

Malamang dahil na rin sa konsensiya, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na gawin itong “effec­tive immediately.”

Sinong hindi makokonsensiya at tamaan na sana ng kulog at kidlat ang hindi tatablan?

Mapanganib ang trabaho ng mga nurse ngayon dahil expose sila sa COVID-19. 

Uulitin ko, tatlong Presidente ang nagdaan -- Erap, Gloria at P-Noy. Walang nangyari.

Ngayon lang naisakatuparan ang wage hike ng mga government nurses dahil sa mapanganib na COVID-19.

Iniisip ko tuloy, kung walang COVID-19 “nganga” pa rin hanggang sa ngayon ang government nurses.

Totoo nga ang kasabihan, “crisis is a backdoor to an opportunity” ---- para sa mga nurses natin ito sa gobyerno.

Ang tanong ngayon, paano na ang mga nurses sa pribadong ospital?

Nagtitiyaga at nagtitiis sa kakapiranggot na suweldo?

Umaasa sila na kapag nakumpleto ang dalawang taong professional experience sa mga pribadong ospital ay makakapag-abroad para sa mas malaking sahod.

Kaya lang sa panahon ngayon ng pandemya, mahaba-haba ang pananamantala ng mga private hospital.

Nakausap ko ang isang nurse sa private hospital. Dose mil (P12,000) lang ang kanyang buwanang suweldo.

Kaawa-awa!

Sa mga pinuno ng pribadong hospital, makonsensiya naman kayo lalo na ngayong punumpuno ang mga ospital n’yo ng COVID patients.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with