^

Punto Mo

‘House-to-house’ strategy ni Digong vs COVID, pro-poor! —Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG mga mahihirap na Pinoy na walang kakayahang mag-self quarantine sa kanilang bahay ang makikinabang sa “house-to-house” o Oplan Kalinga na isasagawa ng gobyerno para pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Ito ang pahayag ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations (DCO) ng Philippine National Police (PNP) habang iginigiit niya na ang mga health workers at local government units ang may malaking papel na gagampanan sa proyektong ito ng gobyerno at ang kapulisan ay magsisilbing back-up lamang.

Inulan kasi ng batikos sa social media ang “house-to-house” na pamamaraan sa pagtukoy sa mga positibo sa virus at marami ang nag-alala, lalo na ang mga kritiko ni Digong, na baka “manlaban” ang mga maysakit ng COVID. Inihalintulad ng kritiko ang “house-to-house” sa Oplan Tokhang na naging sanhi ng kamatayan ng maraming drug pushers. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Dahil sa lockdown, malaking bilang ng mga Pinoy ay nasa bahay lamang at nakatutok sa social media kaya’t mabilis pa sa alas-kuwatro kung magkomento ang mga kritiko na hindi na inantay ang paliwanag ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Eleazar, ang hepe ng Task Force Anti-COVID Shield na hindi ang mga pulis ang kakatok sa mga bahay-bahay para magtanong kung meron silang positibo sa virus kundi ang health workers o mga kinatawan ng mga LGUs. Iginiit ni Eleazar na ang health workers at taga-LGU ang mag-identify kung sino yung mga nag-positive, na may mild symptoms at dadalhin sila sa mga isolation facilities ng gobyerno. Subalit ang mga dadalhin lang sa isolation facilities ay ‘yung mga positibo sa virus na halimbawa ay maliiit lang ang bahay at marami sila o di kaya’y iisa lang ang gamit nilang palikuran na malakas ang posibilidad na magkahawa-hawa sila.

Kaya maliwanag na pabor sa mahihirap ang hangarin nitong Oplan Kalinga dahil kapag may kaya ang may virus t’yak nasa malaking kuwarto sila at may sariling CR kung saan doon na sila i-monitor ng mga health workers, ani Eleazar. Hak hak hak! O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi anti-poor itong bagong programa ng gobyerno, ha mga kosa?

May kumakalat na balita na halos puno na ang mga ospital sa Metro Manila ng mga COVID patients subalit ayon kay Eleazar marami pang bakanteng isolation facility ang gobyerno. Aniya, ang 200-bed isolation facility ng PNP sa Camp Crame ay halos hindi pa na-occupy, lalo na ang mga tinatawag na mega-facilities tulad ng Arena sa Bulacan. Maging si Public Works Sec. Mark Villar naman, kahit na positibo sa virus, ay patuloy na nagpapatayo ng isolation facilities para i-accomodate ang mga dadapuan pang Pinoy.

Sa Oplan Kalinga, papasok lang ang pulis kapag nag-request ang LGU kung hindi makipag-cooperate ang may virus. Kaya nanawagan si Eleazar sa mga Pinoy na makipagtulungan na lang sa Oplan Kalinga dahil ang kaligtasan nila ang pangunahing layunin nito. Abangan

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with