^

Punto Mo

Barrier sa motorsiklo, ‘di ba delikado?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pinayagan na ng IATF ang angkas sa mag-asawa o couples maging ito man ay ‘same sex couples’ basta’t nasusunod ang safety at health protocol.

Kailangan ding may barrier sa pagitan ng rider at kanyang angkas.

May maipapakitang mga dokumento o ID na nagpapatunay na sila ay mag-asawa, mag live-in o magnobyo o nobya. Kailangang mapatunayan na nakatira sila sa iisang bahay.

Mabusisi ang proseso, kapag pinahinto sila sa checkpoint para marebisa ang dala nilang documents.

Iba-iba naman ang ginagawang paraan ng mga rider makasunod lang sa patakaran sa barrier.

Meron na nakaka-afford na maglagay nang maayos na harang, meron naman para-paraan lang kahoy na nilagyan ng plastic.

Sa nakikita ng ilan may panganib na dulot ang naturang barrier.

Maaaring anumang oras ay matanggal o makalas ito lalu na sa panahon na tumatakbo ang sasakyan, pangalawa ang barrier ang magsisilbing kinakapitan ng back-ride na kapag ito ay nakalas baka kasamang maiwan ang angkas, pangatlo sagabal ito sa espasyo ng motorsiklo.

Ito ang mga ipinananawagan ng mga rider at kanilang iaangkas.

Pwede naman na umano na hindi na ito kailangan, dahil nakasuot naman ng helmet bukod pa ang face mask ang mga rider at angkas nito.

Magkagayunman, ingat na lang ang katapat sa ganitong mga patakaran, ang mahalaga masunod ang ipinapairal na kondisyon ng mga kinauukulan.

Sila naman ang nakakaalam kung ano ang makabubuti, ang mahalaga unti-unti nang nararamdaman ang kahit bahagyang kaluwagan. Kasabay naman nito ang ang pagsunod sa kahigpitan, para di na lumaganap pa itong COVID.

Unti-unti lang, uusad din tayo!

vuukle comment

BARRIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with