^

Punto Mo

Sana merong seguridad sa listahan ng contact tracing

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

CONTACT tracing ang tawag sa isang paraan o sistema  na tumutukoy at tumutunton sa mga taong huling nakasa-lamuha, nakasama, nakaharap, nakatabi o nakausap ng pasyenteng nahawahan ng COVID-19. Isa itong dahilan kaya bawat taong pumapasok sa mga banko, restawran, ahensiya ng gobyerno, palengke at iba pang pribado at pampublikong establisimento ay pinasusulat sa isang papel ang kanilang pangalan, tirahan at contact number. Bahagi ito ng contact tracing.  Layunin nito na mapaalalahanan at mapayuhang magpatingin sa doktor, obserbahan ang sarili o magpakuwarantina ang sinuman na nakahalubilo ng pasyenteng may virus para matiyak kung nahawahan sila o hindi.  Kaya nga nagkaroon ng ganitong listahan para matukoy kung sinu-sino ang maaaring nahawahan ng pasyenteng may COVID-19.

Pero sana lang, walang maging problema sa seguridad at privacy ng mga inililistang mga taong pumapasok sa  naturang mga establisimento dahil nakasaad dito ang kanilang mga pa-ngalan, tirahan at  landline/mobile number. Maganda ang hangarin ng ganitong contact tracing pero sana ay hindi maabuso o magamit sa katiwalian o kasamaan.

Isa pa ring usaping maaaring isaalang-alang ang kredibilidad ng mga listahang ito dahil walang katiyakan kung totoo ang pangalan at contact details na nakasulat dito. Isa rin itong panawagan na dapat maging matapat sa pagsusulat ng mga kailangang impormasyon sa naturang listahan dahil para na rin ito sa kalusugan nating lahat.

Gayunman, sa dami ng napapaulat na tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19, hindi napapasama sa ulat ang pangalan ng  mga pasyente. Sa pagkakatanda ko, meron nang inilabas na patakaran ang mga kinauukulan sa pagpapangalan sa mga nahahawahan ng virus. Maaaring ang ganitong detalye ay para na lang sa mga kinauukulang awtoridad para sa anumang hakbang na dapat nilang gawin tulad na lang halimbawa sa contact tracing.  Maaaring hindi na lang ito inilalantad sa publiko. Kadalasan, ilang mga kilalang personalidad, pulitiko, artista, at opisyal ng pamahalaan ang kusa nang umaamin sa publiko na nahawahan sila ng virus.

Isang bentahe nito na napapaalalahanan nila ang mga taong nakausap at nakahalubilo at nakasama nila para sa kinakailangang pag-iingat. Pero paano na ang mga ordinaryong tao na nagkasakit ng COVID-19? Mangangapa na lang tayo kung sino-sino sa mga nakakaharap nating mga  tao ang nadapuan ng coronavirus. Ang nakakakaba lang kasi dito, ang magiging reaksyon ng mga tao kapag nalaman nila kung sino-sino ang mga pasyente. Nariyan kasi ang posibleng tendensiya ng diskriminasyon, pandidiri, panlalait o panghahamak sa mga dinadapuan ng virus.

Kaya, tulad ng nauna kong  binanggit, sana isaalang-alang din at magkaroon ng proteksiyon sa seguridad at privacy ng mga nasa listahan ng mga taong pumapasok sa iba’t ibang establisimento kaugnay ng contact tracing na iyan para makaiwas sila sa anumang kapahamakan. Isipin na lang na hindi lang naman yung pinapasok na establisimento ang nakakabasa sa nasa listahan kundi pati na rin lahat ng iba pang mga taong napapasama sa talaan.

Email: [email protected]

vuukle comment

CONTACT TRACING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with