^

Punto Mo

Turkish paraglider, nagdala ng sopa at tv sa himpapawid para makapag-relax

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Turkish paragliding instructor ang nagdala ng sofa at TV set nang siya ay nag-sky diving upang makapag-relax habang nasa himpapawid.

Animo’y nasa sala lang ng isang bahay ang 29-anyos na si Hasan Kaval, ng Izmir, Turkey dahil kumpleto siya sa sofa, lampshade at TV set na pawang mga nakasabit sa isang parachute nang siya ay nag-paragliding sa Babadag Air Sports and Recreation Center.

Makikita sa kuhang video ng kanyang pag-paraglide ang pagre-relax ni Kaval sa sofa habang nanonood ng cartoons sa TV.

Kumuha pa si Kaval ng tsitsirya upang lubos na ma-enjoy ang kanyang panonood ng TV.

Ligtas namang nakalapag si Kaval at kanyang mga kagamitan.

Ayon kay Kaval, ginawa raw niya ang stunt upang maipa-kita kung gaano kaligtas ang sport na paragliding.

vuukle comment

RELAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with