^

Punto Mo

‘Non-appearance’ annulment, posible ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nais ko pong makipaghiwalay na sa aking asawa ngunit ako po ay nagtatrabaho sa ibang bansa. May nakita po ako sa Facebook ng nag-aalok ng pag-aasikaso ng annulment ng kasal para sa mga Pi­lipinong nasa ibang bansa. “Non-appearance” annulment daw po ang mangyayari kaya hindi na raw kailangang humarap pa sa korte at dumalo sa mga hearing ang magsasampa ng annulment. Interesado po sana ako sa alok nilang serbisyo dahil malabong makauwi po ako ng Pilipinas ngunit nangangamba rin ako na baka scam lang ang nabasa ko kaya minabuti ko pong magtanong muna sa abogado. Gusto ko lang po sanang malaman kung totoo po ba talagang may non-appearance annulment? – Lena

Dear Lena,

Tama ang iyong ginawa na magtanong muna sa isang abogado dahil hindi posible ang tinatawag na non-appearance annulment. Hindi maaring hindi humarap sa korte ang nagsampa ng annulment dahil sa tinatawag na pre-trial stage pa lang ng kaso ay kakailanganin nang dumalo ng petitioner sa hearing. Kakailanganin din ang pagharap sa korte ng petitioner kapag ipipresenta na ang kanyang salaysay o testimony bilang witness sa kaso.

Bagama’t may mga pagkakataon kung maaring hindi du­malo sa hearing ang nagsampa ng petisyon ay madalang ito at pinapayagan lang kapag naipakita sa judge na may karapat-dapat talagang dahilan ang petitioner kaya hindi siya makakadalo sa hearing ng kanyang kaso.

Mas mabuting umiwas sa mga post sa social media ng mga nag-aalok ng pag-aasikaso ng annulment dahil marami na ang mga naloko sa ganyang mga alok. Maaring makapagbigay ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) ang mga nag-aalok ng ganyang serbisyo ngunit ang CENOMAR na iyon ay base sa desisyon ng korte  na kanila lamang pineke dahil imposibleng umandar ang kaso na hindi humaharap sa husgado ang humihiling ng annulment o hiwalayan.

Kaya sa huli, nananatili pa rin ang bisa ng kasal at hindi pa rin maaring makasal sa iba ang nagsampa ng petisyon sa kabila na daang libong piso na ang kanilang naibayad sa mga nag-aalok ng non-appearance annulment na iyan.

vuukle comment

ANNULMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with