^

Punto Mo

Tae at ihi ng baka, pinagkukunan ng kuryente; 1,000 kabahayan nailawan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lamang masarap na gatas ang napapakinabang sa mga baka, pati kur­yente ay nakapagbibigay sila.

Sa isang dairy farm sa Indiana, USA ang mga tae at ihi ng baka ay source ng kuryente.

Namuhunan si Floyd Houin, may-ari ng dairy farm sa isang teknolohiya na ang mga tae ng baka ay pinagku­kunan ng kuryente.

Hindi nagkamali si Floyd sa pinasok na negosyo sapag­kat ngayon malaki ang ibina­bayad sa kanya ng isang local electric company dahil sa pag­susuplay niya ng kuryente na nakukuha mula sa dumi ng mga baka. Nasa 1,000 kabahayan ang nailawan dahil sa biogas.

Ayon kay Floyd, bukod sa pinagkakakitaan, naka­ka­tulong din daw ang bio­gas technology na kanilang ginagamit upang mapanitili ang kaayusan ng kanilang kapaligiran.

Ang isa pang dahilan kung bakit sila namuhunan  sa biogas technology ay upang maalis ang baho na nanggagaling mula sa dumi ng kanilang mga alagang baka na nakakasulasok sa kanilang mga kapitbahay.

Nasa 265,000 na litro ng dumi at ihi mula sa kanilang 3,400 na alagang baka ang naiipon sa dairy farm araw-araw. Hinihigop ng makina na kung tawagin ay anaerobic digester ang amoy na nanggagaling sa mga ito pati na rin ang greenhouse gases na dahilan ng global warming.

Ang amoy at greenhouse gases na ito ang ginagawang biogas na pinanggagalingan ng kuryente. Hindi rin napapatapon ang natirang dumi dahil ginagawa itong fertilizer.

Namuhunan ng $6 milyon si Floyd sa biogas technology at nasulit na ang kanilang ginastos dahil sa laki ng kanilang kinikita mula sa kuryenteng naipagbebenta mula sa dumi ng kanilang mga baka.

vuukle comment

KURYENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with