^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (101)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI akalain ni Ziarah­ na nasa labas na pala ng res­­­taurant si Jonas at doon ina­abangan ang pag­labas ni Kat at kasama nitong lalaki­ na mukhang Japanese o Chinese.

Kaya nagtataka si Ziarah kung bakit hindi ito lumulu­tang o nagpapakita ay dahil nasa labas na. Siguro’y iniiwasang magkaroon ng konprontasyon sa harap nang maraming tao. Ipinakita ni Jonas ang pagi­ging edukado sa hindi pagkompronta kay Kat at sa ka­sama nito.

Pero ngayon, nakita ni Ziarah mula sa kinauupuan na magkakaroon a ng komprontasyon.

Wala nang makakapigil pa kay Jonas na marahil ay napuno na kay Kat dahil sa pagsisinungaling nito at higit sa lahat, may kasama pang ibang lalaki.

Naisip ni Ziarah, siya man ang nasa kalagayan ni Jonas ay magwawala rin siya. Lalo pa at binuhusan ng pagma­mahal ang babae.

At sa isang iglap, nakita ni Ziarah ang pagsugod kay Kat. Mismong sa parking area ng restaurant ang eksena. Walang ibang tao sa parking area.

Kitang-kita niya nang harapin at pagsalitaan ni Jonas si Kat. Bagama’t hindi niya nari­rinig ang boses, kitang-kita ni Ziarah ang nagbabagang eks­presyon ng mukha ni Jonas.

Mukhang masama ang mang­yayari. Nagpasya si Ziarah na tawagin ang waiter para ipaalam ang nangyayari sa labas at nag­pa-billout na rin siya.

‘‘Pakisabi sa guard, may nag-aaway sa labas. Baka may magkasakitan. Pakibigay na rin ang bill ng kinain ko,’’ sabi niya sa waiter.

“Opo Mam, sasabihin ko sa guard,” sabi ng waiter at mabilis itong umalis.

Pagtingin muli ni Ziarah sa labas, nakita niyang nakikipagsuntukan na si Jonas sa lalaking kasama ni Kat.

Si Kat naman ay nakita niyang tila kampi pa sa kasamang lalaki. Parang sumisigaw pa ito pabor sa kasamang lalaki.

Nakita niyang tinamaan sa pisngi si Jonas. Mukhang sanay makipaglaban ang ka­­sama ni Kat. Parang UFC fighter.

Nakita niya na sinipa pa nito sa sikmura si Jonas habang nakatingin at natutuwa pa si Kat.

Napasigaw si Ziarah.

Hindi na niya napigil ang sarili. Awang-awa siya kay Jonas.

“Kuya Jonasss! Kuya Jonasss!’’

Napalingon ang mga taong kumakain kay Ziarah sa lakas ng sigaw niya. (Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with