^

Punto Mo

‘Bigyan Mo po kami…’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 18th  century, nagpupuntahan ang mga Italyano sa Amerika sa pag-asang dito aasenso ang kanilang buhay. Ngunit sa halip na kaginhawahan sa buhay, gutom at busabos na pamumuhay ang kanilang naranasan.

Sa Italy, nabalitaan  ni Sister Francesca Cabrini ang nangyari sa kanyang kababayan sa Amerika. Nagpaalam siya sa Pope at nagtungo sa New York noong 1889. May anim na madre siyang kasama upang tumulong na maisakatuparan ang kanyang misyon sa mga naghihirap na Italian immigrants.

Pinatuloy sila ng Archbishop ng New York sa isang malaking bahay na nang tumagal ay ipinahiram na rin para gawing bahay ampunan. Halos mamalimos si Sister Cabrini sa mga ma-yayamang taga-New York para magkaroon ng pondo ang itinayo niyang charitable institution. Minsan pinagsabihan siya ng Archbishop tungkol sa paggastos ng pondo mula sa donasyon ng isang mayamang babae.

“Sister ako ay nababahala…baka hindi mo mapanindigan ang bahay ampunan na itinayo mo. Magastos magpalakad ng bahay ampunan. Hindi mo masisiguro kung hanggang kailan magdodonasyon ang mga mayayaman. Pagkatapos ng isang taon, siguradong ubos na ang perang hawak mo. Ano ang gagawin natin next year? Saan tayo kukuha ng pangtustos sa mga bata?”

“Father, kapag tayo ay nagdarasal, hinihiling natin sa Diyos ay – Bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw – at hindi po – Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa isang buong taon. Naniniwala po ako na may darating na grasya sa atin araw-araw.”

Sa kabila nang maraming problema, nakapagtayo si Sister Cabrini ng mga ospital, school, bahay ampunan sa New York at ibang lugar sa America. Naging santa siya noong 1946.

“So when you feel like hope is gone. Look inside and you will be strong and you finally see the truth that a hero lies in you.” – Lyrics from the song Hero by Mariah Carey

 

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with