^

Punto Mo

Online worship, di-dapat replacement sa onsite

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

BATAY sa Global Digital Report, ang mga Pilipino ang heaviest users ng internet. Tinataya na 76 milyong Pilipino, mula sa 107 milyong populasyon, ang gumagamit ng internet. Ibig sabihin, 71% ng ating populasyon ang nasa online araw-araw. Facebook (FB) ang pinaka-popular na social media platform dito sa atin at maging sa buong mundo. Para sa marami, ang kahulugan ng internet ay FB.

Sanay na tayong gamitin ang FB para sa pakikipagkaibigan, pagnenegosyo, pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, lalo na ang mga pamilya ng mga OFWs, at pagsasapubliko ng mga bagay na pang-pribado, tulad ng kung ano ang almusal natin sa araw na ito.  Ang tawag dito’y “publicized privacy.” 

Dahil sa pagbabawal sa mass gathering bunga ng COVID-19 pandemic, ginulat tayo ng isa pang gamit ng FB — ang online worship. Biglang sumikat ang church online.  Tuwing Sunday, maaari kang sumamba maghapon sa dami ng mga online worships mula sa iba’t ibang simbahan. Ang tinatawag dito ni Jesuit Theologian Antonio Spadaro ay “Cyber Theology.”

Lumawak ang naaabot ng isang preacher. Dati, nagsesermon lamang siya sa mga miyembro niya, pero ngayon, kahit hindi miyembro ay maaaring makapakinig ng kanyang mensahe. Ang pinag-uusapan natin ay church on line, ito ang onsite church na ginagamit ang social media para sa mga aktibidad na tulad ng worship. Pero ang totoo, lumalaganap na rin ang online churches na walang onsite churches. Sa Singapore, may online church na kung tawagin ay Life Church na may 7,000 regular na worshippers.

Dapat naman talagang gamitin ng mga churches ang social media sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo. Sa pamamagitan ng social media, maraming tao ang maaabot ng Salita ng Diyos. Sa panahon ng krisis na tulad ng COVID-19 pandemic, ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa at makapagpapalakas sa mga pinanghihinaan ng loob.

Pero dalawang bagay ang dapat ingatan. Una, kailangang siguraduhing maganda ang ipinapalabas sa social media. Huwag ‘yong katwirang basta may maipalabas lang. Napapanahon na ang mga churches ay mag-invest sa pagbili ng mga makabagong audio-visual equipment at sa pagsasanay sa paggamit ng mga ito.

Ikalawa, ang online worship ay kailangang maging supplement lamang, at hindi replacement, ng onsite worship. Maaaring magkaroon ng church online ang isang church onsite. Pero para sa akin, hindi dapat na online church lamang, sapagkat ito’y taliwas sa kahulugan mismo ng church.  Ang church ay hindi building o social media platform. Ang church ay ang pagsasama-sama (physical at hindi virtual) ng mga tagasunod ni Hesus upang papurihan ang Diyos sa pamamagitan ng pagsamba at paglilingkod sa kapwa. Ang ating identity bilang mga Kristiyano ay ipinapakita sa ating pagsasama-sama.

Ito ang dahilan kung bakit matagal nang ipinakikiusap ng mga lider-simbahan na payagan na ang mga churches na magdaos ng mga pagsamba sa loob mismo ng mga simbahan. Nangangako naman sila ng pagsunod sa mga health protocols.

Ganito ang sabi ni Pablo sa 1 Tesalonica 2:17, “Ngunit kami, mga kapatid, na nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa katawan, hindi sa puso, ay lalong higit na nananabik na makita kayo nang mukhaan.”  Nasasabik na tayong lahat na magkasama-sama sa onsite worship upang kumuha ng lakas sa isa’t isa!       

vuukle comment

ONLINE WORSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with