^

Punto Mo

Ang rape na hindi natuloy

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA Beijing China, isang maliit na komunidad ang ilalim ng mga  tulay. Mahal ang upa sa mga apartment kaya ‘yung iba na maliit lang ang suweldo ay sa ilalim ng tulay pinipiling mangupahan. Pinauupahan ito ng mga naunang “settlers” na nakakuha ng malawak-lawak na space at pinagawan ng maliliit na kuwarto.

May isang lalaking bagong salta sa “underground community” Napansin ng lalaki ang isang babaing nakatira sa katabing kuwarto. Balingkinitan ang katawan, makinis ang legs at mahaba ang buhok. Ganoon ang type niya sa babae. Isang gabi ay natanawan niyang dumating ang babae at tuluy-tuloy sa kanyang inuupahang silid.

Gusto sana niyang makipagkilala pero hindi na ito lumabas ng kuwarto. Medyo tinablan siya ng alak na nainom niya. May demonyong bumubulong sa kanya. Kaya nang wala nang tao sa paligid, bitbit ang kutsilyo at kahoy na mahaba, lakas loob niyang binuksan ang pintuan at pinasok ang babaing natutulog na.

Nagising ang babae na gulat na gulat. Noong lang niya nakita nang malapitan ang babae. Nagkatitigan sila. Mata sa mata. Mukha sa mukha. Ang kargada ng lalaki kanina na tila matikas na anaconda ay biglang nanlambot at naging bulate na lang.

Humihiyaw ang isip ng lalaki – Ang pangit! Hindi ko masisikmurang reypin ang babaing ito!

May kadiliman sa paligid ng underground kaya laging pahapyaw lang ang nakikita niyang mukha ng babae. Katawan lang ang malinaw niyang napipigurahan.

Nakulong pa rin ang lalaki at nasentensiyahan. Ang rape na hindi natuloy ay tinawag na “interrupted crime”, iyon ay maituturing pa ring krimen dahil may intensiyon siyang pumatay, na pinatunayan ng bitbit niyang kutsilyo at mahabang kahoy.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with