^

Punto Mo

EDITORYAL - Bawal, pero ginagawa ng mga nagpapatupad ng batas

Pang-masa
EDITORYAL - Bawal, pero ginagawa ng mga nagpapatupad ng batas

HINDI pa pinapayagan ang mga party-party ngayon o kahit anong klaseng pagtitipon ng mga tao. Pati nga ang religious gatherings, bawal. Basta ‘pag nagkumpol-kumpol ang mga tao, sasawayin sila ng mga awtoridad. Huwag magdikit-dikit. Kailangan ay may physical distancing. Mahigpit na ipinasusunod ang pagsusuot ng face mask. Basta bawal ang ang pagdaraos ng mga party o anumang kasayahan na maaaring magsama-sama ang mga tao. May mga lugar din na bawal pang magbenta ng alak para nga maiwasan ang pagtitipun-tipon.

Ang mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal para huwag magkahawahan. Ang physical distancing ay mabisang paraan para mapigilan ang pagkalat ng virus na naisasalin sa pamamagitan ng droplets kapag umubo o humatsing ang taong infected. Kung walang mask, malalanghap ang virus at walang tigil sa pagkalat. Sa kasalukuyan, umabot na sa 31,000 ang infected ng COVID-19 sa bansa. Halos araw-araw ay may naitatalang kaso.

Kaya naman maski si President Duterte ay seryoso sa pagpapaalala sa lahat na sumunod sa ipinag-uutos para mapigilan ang virus. Ang Philippine National Police (PNP) ang inatasang magpatupad ng mga batas. Dapat sumunod sa batas ang lahat.

Pero kakatwa ang nangyayari ngayon sapagkat ang mga nagpapatupad ng batas ang mga lumalabag. Gaya ng isang regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Western Visayas na sa kabila na bawal magparty at mag-inuman, ginawa pa rin niya. Nag-party sa Boracay ang opisyal at kanyang mga tauhan. Nag-viral sa Facebook na may hawak pang mga bote ng beer at dikit-dikit sila. Lumabag sila sa lockdown rules. Sinibak sa puwesto ang BFP official.

Noong Mayo, nagdaos ng kaarawan si National Capital Region Police Office (NRPO) chief Gene­ral Debold Sinas at sinorpresa siya ng mga tauhan sa pamamagitan ng “mañanita”. Nagkaroon ng kainan at inuman. Nagkuhanan ng picture at nakita na hindi naipatupad ang social distancing sa pagtitipon. Mara-ming walang suot na face mask. Nalabag ang liquor ban.

Marahil, tinularan lamang ang heneral kaya may mga lumalabag din sa health protocol. May masamang halimbawa na nakita.

vuukle comment

BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with