^

Punto Mo

Kunsiderasyon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KAPAG sinabing frontliners, ang maiisip kaagad natin ay mga health workers, military, basurero, food delivery rider at marami pang iba. Pero hindi n’yo ba naiisip na bawat isa sa atin ay frontliners ng ating mga sarili? Sino ba ang unang nangangalaga sa ating sarili para makaiwas sa COVID-19? ‘Di ba sarili natin? Kaya dapat din nating saluduhan ang ating mga sarili kagaya ng pagsaludo natin sa mga kinikilala nating frontliners.

Sa panahong ito ng pandemic, dapat ay hindi lang  sariling kalusugan ang pangalagaan kundi kalusugan ng mga taong nakapaligid sa atin. ‘Yun bang attitude na ayaw mong magka-Covid-19 dahil kung dadapuan ka nito, maaari kang makahawa. Bilang mabuti at responsableng tao, ayaw mong maging behikulo ka ng virus para maipasa mo ito sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Pero naiiba ang kuwento ni Covid Patient (CP). Bago pa siya magpa-COVID-19 test, nakakadama na siya ng sintomas. Malaki ang kanyang hinala na magiging positive siya. Sinabihan siya ng mga health workers na nagsagawa ng test na huwag lalabas ng bahay hangga’t hindi niya natatanggap ang resulta. Isang linggo na ang nakakaraan ay wala pa rin ang resulta.

Nainip si CP. Patakas siyang lumabas ng bahay. Walang puknat ang ginawang pamamasyal sa iba’t ibang barangay kung saan matatagpuan ang mga barkada. Nagkataong tinanggal na ang ban sa alak nang panahon iyon kaya inumang umaatikabo ang nangyari kung saan iisang baso ang umiikot para inuman ng lahat.

Isang araw ay dumating din ang pinakahihintay na resulta. Tama ang hinala ni CP. Positive siya. Nang magsagawa ng contact tracing, siyempre kailangang aminin niya kung ano ang pinaggagawa niya bago dumating ang resulta. Hayun nabisto kung paano siya nagpaulan ng virus sa maraming tao sa iba’t ibang lugar. Pasaway. Walang awa sa kapwa basta makapagwalwal lamang.

Ngayon naka-full lockdown ang buong barangay kung saan siya residente. Marami sa mga kabarangay niya ang hindi makapasok sa kanilang mga trabaho na karamihan ay no work, no pay. Kakasimula pa lang sa trabaho, matitigil na naman ng 14 days dahil sa taong ito na walang kunsiderasyon.

“Being considerate of others will take your children further in life than any college degree.” Marian Wright Edelman


 

 

vuukle comment

KUNSIDERASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with