^

Punto Mo

Bulag na lalaki sa India, nakapagtayo ng kompanya na $7.5-M ang halaga

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINANGANAK na bulag si Srikanth Bolla subalit nakapagtayo siya ng kompanya na $7.5 milyon ang halaga.

Mahirap sina Srikanth. Walang pinag-aralan ang kanyang mga magulang. Noong sanggol si Srikanth, pinayuhan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang kanyang mga magulang na abandonahin na lang siya dahil may kapansanan. Subalit hindi ito sinunod ng kanyang mga magulang at sa halip, pinalaki nila si Srikanth ng puno ng pagmamahal at suporta.

Bagama’t matalino, na-ging mahirap pa rin kay Srikanth ang pagkamit ng edukasyon. Kahit kasi nakakapasa siya sa entrance examination ay hindi pa rin siya tinatanggap ng kolehiyong kayang napili dahil sa kanyang kapansanan.

Mabuti na lamang at tinanggap siya ng Massachusetts Institute of Techno-logy (MIT) na isa sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa buong mundo. Nakapagtapos si Srikanth.

Bumalik siya sa India matapos ng kanyang pag-aaral sa Amerika at nagpasya siyang magtayo ng isang kompanyang magbibigay ng trabaho sa mga katulad niyang may kapansanan. Itinayo niya ang Bollant Industries na nagma-manufacture ng mga paper plates at paper cups.

Ngayon ay may apat nang factory ang kompanya ni Srikanth at plano niyang magbukas pa ng panlima na patatakbuhin ng solar power upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with