^

Punto Mo

EDITORYAL - Ayuda ng OWWA, kailangan ng stranded OFWs

Pang-masa
EDITORYAL - Ayuda ng OWWA, kailangan ng stranded OFWs

KAHAPON, maraming stranded na overseas­ Filipino workers ang agad nagtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sapagkat­ akala nila ay makakasakay sila sa eroplano. Pero fake news umano ang natanggap ng mga OFW sapagkat wala namang flight. Isa pa, kailangan ay naka-book sila para makasakay ng eroplano. Ayon sa mga awtoridad ng NAIA, hindi dapat magtungo sa airport kung wala namang booking.

Ang mga OFWs ay bigumbigo sapagkat ang akala nila ay makakauwi na sila sa kani-kanilang mga mahal sa buhay. Ilan sa kanila ay dalawang buwan nang stranded. Karamihan sa mga OFW ay galing ng Saudi Arabia.

Isang babaing OFW ang nagsabi na may nagtext umano sa kanya at pinapunta sa NAIA sapagkat mayroon na umanong biyahe ang eroplano. Ayon sa OFW, noong Marso 7 pa siya dumating at nag-home quarantine siya sa bahay ng isang pinsan pero inabutan siya ng lockdown noong Marso 16 kaya hindi na nakauwi sa kanilang probinsiya sa North Cotabato. Ayon sa OFW, naubos na ang kan­yang dalang pera at wala na siyang pagkukunan pa. Maski pamasahe sa eroplano umano ay wala na rin.

Karamihan sa mga OFW na dumagsa sa NAIA at naglatag na lamang sa sidewalk at doon humiga sa tindi ng pagod at ang iba ay nagugutom. Hindi raw nila akalain na ganun katinding problema ang kanilang kahaharapin. Gusto raw nilang maka­piling ang kanilang mahal sa buhay. Ilan sa kanila ay mayroon nang health pass na katunayan ay sumailalim na sila sa 14-day quarantine.

Nagkaloob ang Overseas Workers Welfare Admi­nis­tration (OWWA) ng pagkain sa mga stranded. Pero higit pa rito ang inaasahan ng OFWs. Ayuda na kailangang-kailangan para makauwi sila sa kanilang probinsiya. Ang mga OFW ay katulong ng bansa sa pagpapaunlad ng ekonomiya at nga­yong kailangan nila ng tulong, dapat silang ayudahan agad-agad. Huwag silang pabayaan. Ka­wawa naman sila kung hahayaang kakalat-kalat sa NAIA.

vuukle comment

OWWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with