^

Punto Mo

Dating Normal na‘di dapat bitbitin sa New Normal

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

USAPAN ngayon ang tinatawag na New Normal. Ang nakaraan ay Normal na dapat ay hindi na natin bitbitin sa paglalakbay natin sa New Normal, otherwise, babalik lang tayo sa Normal na dahilan kung bakit kailangan ang New Normal. Maganda ang New Normal, sapagkat ihahatid tayo nito sa bagong panahon upang talikuran ang luma na nagpahirap sa atin.

Dahil sa COVID-19 pandemic, naipinta sa ating kamulatan ang mga pangunahing problema ng ating bansa na kailangang lapatan ng kaukulang mga batas, sistema, at istraktura. At syempre, seryosong pagpapatupad. Pag-usapan natin ang tatlong pangunahin.

Una, ang mahina nating Public Health System. Bawat Pilipino ay sakop ng universal health system na libre sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kaya lang, alam natin ang katakut-takot na problema ng PhilHealth. Kailangan ang major reform sa ating Public Health System. 

Sa report ng Asian Development Bank noong 2016, ganito ang description sa health condition ng Pilipinas: Mahina ang diagnosis na nagreresulta sa pagpapabalik-balik sa ospital ng pasyente, mababang uri ng mga medicines at supplies, kakulangan ng mga dedicated health workers at mahabang paghihintay. Napakahalaga ng kalusugan. Hihinto ang pag-inog ng ekonomiya sa harap ng panganib ng isang sakit na katulad ng coronavirus.

Ikalawa, ang mahina nating housing program para sa mahihirap. Ayon sa Philippine Statistics Authority, may 4.5 milyong Pilipino ang walang sariling tahanan, 3 milyon dito ang nasa Metro Manila. Nagulat tayo sa kondisyon ng mga tahanan ng mahihirap sa Metro Manila.

Nang magkaroon ng lockdown sa isang mahirap na komunidad sa Maynila, nakakaawa ang daing ng mga naninirahan doon, napakainit sa kanilang mga tahanan, sapagkat sila’y nagsisiksikan sa isang maliit na espasyo. Kaya pala sa kalye sila nag-iistambay.

Bago pa tayo mangarap ng modernong mga lansangan, pier, at airport, kailangang tiyakin muna ng gobyerno na bawat pamilyang Pilipino ay may marangal na tahanan.

Ikatlo, ang mahina nating public transport system. Ang pangunahing pampublikong sasakyan dito sa atin ay mga jeep at tricycle. Ang mga jeep ay umaabot ng 1.5 milyon, samantalang ang tricycle ay 4.5 milyon. Ang makina ng mga jeep ay mga surplus na galing sa Japan, na nagbubuga ng matinding usok.

Napapanahon nang palitan ang mga jeep at tricycle ng mga tren at bus. Pero ano ang gagawin sa mahigit sa 6 milyong driver na mawawalan ng trabaho? Hindi sila dapat pabayaan. Kailangan silang turuan ng mga bagong kaalaman sa paghahanapbuhay o tulungan sa pamumuhunan para makapagsimula ng negosyo.

Sa New Normal, nawa’y mangyari sa Pilipinas ang sinasabi sa Isaias 65:17, 20-23, “Ang sabi ni Yahweh, ‘Ako’y lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan…Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal. Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na, at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.  Magtatayo sila ng mga tahanang  kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.  Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa’y iba ang tumira. Sa tanim na halama’y iba ang nakinabang. Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.’

 

vuukle comment

NEW NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with