^

Punto Mo

Lalaki sa India, inireklamo ang google dahil sa pagsira sa pagsasama nilang mag-asawa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGPASYA ang isang 49-anyos na lalaki sa India na sampahan ng reklamo ang Google dahil sa diumano’y pagsira nito sa pagsasama nila ng kanyang asawa.

Sinisisi kasi ni R. Chandrasekhar ang Google Maps app ng kompanya sa pagdudulot ng duda sa kanyang asawa ukol sa mga lugar na kanyang pinupuntahan.

Makikita kasi sa nasabing app ang lugar na pinuntahan ng gumagamit nito at ayon kay Chandrasekhar ay kung anu-anong lugar ang nakalagay sa kanyang app kahit hindi naman niya pinun­tahan ang mga ito.

Nagdududa tuloy sa kanyang katapatan ang asawa, na regular tsine-tsek ang app para makita ang kanyang mga lakad.

Sa sobrang pagdududa ng kanyang asawa, nakaaapekto na raw ito sa kanilang pagsasama at sa kanilang buong pamilya.

Nagpasya na tuloy na pumunta si Chandrasekhar sa isang istasyon ng pulis upang magsampa ng reklamo laban sa Google.

Humihingi si Chandrasekhar ng danyos­ para sa pinsalang idinulot ng app sa relasyon nilang mag-asawa.

Hindi pa inaaksyunan ng mga pulis ang reklamo ngunit ayon sa isa sa mga opisyal sa istasyon, malamang na magpatawag na lang sila ng marriage counselor upang ayusin ang gusot sa pagitan ni Chandrasekhar at asawa nito.

 

vuukle comment

MAG-ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with