^

Punto Mo

GCQ sa Metro, may dalang panganib!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAMAMATAY na ang ekonomiya ng bansa at kailangang isalba kaya ibababa sa general community quarantine (GCQ) ang karamihan ng lugar sa Pinas upang magbukas ang negosyo­ at iba pang proyekto ng gobyerno. Subalit hindi maialis ang agam-agam na kapag nag-GCQ na, baka maglabasan na rin ang maraming Pinoy para magpalamig at maglamyerda sa malls, tulad ng nangyari noong Mayo 16. Hindi pa nawawala ang COVID maging sa paglipat sa GCQ, kaya ang mga Pinoy ay dapat manatili pa rin sa kanilang bahay at ang mga workers lang ang lalabas para pumasok sa trabaho.

Wala pang datos na nagpapakita ng pagtaas ng kaso ng COVID ang nangyari noong May 16 ngunit sa talaan ng Department of Health (DOH) nitong nagdaang araw, aba higit 300 ang bilang ng bagong kaso na dapat ikabahala ng gobyerno ni President Digong dahil baka maubos na ang P52 bilyong pondo na budget para tustusan ang laban ng bansa sa COVID.  Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa?

Maging ang researchers ng University of the Philippines (UP) ay nais na manatili sa MECQ ang Metro Manila dahil sa patuloy na high-risk ito sa COVID at malaki ang posibilidad na lalong dumami ang kaso kapag hindi nasunod ang health protocols ng gobyerno. Ayon sa pag-aaral, “premature” na ipairal ang GCQ sa Metro Manila dahil nananatiling mataas ang banta ng COVID dito. Ang study ng UP ay lumabas matapos irekomenda ng 17 mayors sa Metro Manila na ibaba na sa GCQ ang kanilang mga lugar dahil naghihingalo na ang pondo simula nang magsara ang mga establisimento at kompanya.

Para maiwasan ang pagkalat ng virus, ipinasya ng mayors na ipatupad ang zoning program kung saan ang isang area na may positibo sa virus ay i-lockdown kaagad para di na mahawa ang iba pang residente rito. May mga sasakyan na papayagang bumalik sa kalye, tulad ng tricycle, subalit limitado lang ang pasahero nito. Ang mga bus at jeepney naman ay hindi muna papayagang magbiyahe habang pinag-aralan kung paano ipatutupad dito ang social distancing para hindi magkahawaan ang mga pasahero. Matutupad naman kaya ito?

Si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas naman ay nagsagawa ng simulation exercises, kasama ang mga opisyales ng Light Railway Transit, para mabatid kung paano ipatutupad ang social distancing sa LRT kapag naging GCQ na. Nagbanta si Sinas na dapat sumunod ang mga pasahero at huhulihin ang mga lumabag dito. Aabot lang sa 160 katao ang papayagang sumakay sa LRT, halos 10 porsiyento lang sa dating rush hour nito.

Nanawagan si Sinas na kung maari ay huwag magtulakan ang mga pasahero, magbaon ng sandamakmak na pasensiya at pag-unawa kasi ang lahat ng ito’y para rin sa kapakanan nila sa panahon ng COVID pandemic. Kahit sa «new normal» na tinatawag, sinabi ng DOH na dapat pa ring sumunod sa health protocols na pagsuot ng face mask, madalasang paghuhugas ng kamay, physical distancing at higit sa lahat huwag lumabas ng bahay kung hindi rin lang kailangan. UTANG NA LOOB! Abangan!

vuukle comment

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with