^

Punto Mo

Kalbaryo sa quarantine ng OFWs

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ang pagdagsa ng mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pinangangambahang maging dahilan sa posibleng pagkakaroon ng second wave ng COVID- 19 sa bansa.

Ayon ito kay Secretary Carlito Galvez, pangunahing taga­pagpatupad ng mga polisiya ng gobyerno na may kinalaman sa COVID.

Mahigit na kasi sa 30,000 mga OFWs ang nakauwi na sa bansa, at meron pang inaasahang malaking bilang ng mga parating.

Halu-halo na kung saan nanggaling ang mga ito na may buhat  din naman sa mga bansang may mataas na bilang ng mga nagkaroon ng COVID, katulad ng Estados Unidos, Italy, Spain at sa Middle East.

Bagamat karamihan sa mga ito, ay sumailalim na sa quarantine bago pa sila makauwi sa bansa at pagdating naman dito ay muling isasailalim  pa rin sa 14 days quarantine para nga naman makatiyak na wala silang dalang virus.

Bukod dito, sumasailalim din sila sa COVID test.

Maraming proseso ang pinagdaraan ng mga tinaguriang makabagong bayani ng bayan bago sila makauwi at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Kailangan mabigyan sila ng certificate o katibayan na negatibo sila sa virus bago sila payagang makauwi.

Tama naman ito, dahil para na rin ito sa ikabubuti ng marami at maging sa uuwian nilang pamilya.

Paano kung positibo sila eh ‘di naiuwi pa nila sa kanilang pamilya ang sakit na lalong ma-laking problema.

Gayunman, sa mga nangyayari sa kasalukuyan,  iisa ang maririnig na daing mga OFWs, ito ay ang katagalan bago nila malaman ang resulta sa isinagawang pag-test sa kanila.

Kadalasan kasi pagbaba ng airport o ng barko ng mga OFWs isasailalim silang sa quarantine at sa COVID test.

Ang ilan nalalagay sa mga quarantine facilities ng gobyerno, may ilan naman na mga seafarers ang barko ang nagsisilbi nilang quarantine  facilities.

Ang hinaing mga OFWs kahit na nga natapos na nila ang 14 days o higit pang quarantine period, mas tumatagal pa sila dahil sa hindi pa naibibigay sa kanila ang  resulta ng test kaya sobrang haba na ang pinananatili nila sa mga quarantine facilities .

Mas matinding hirap umano ang kanilang dinadanas dahil sa tagal nang kanilang pagka-quarantine na hindi naman malaman kung positibo nga sila o negatibo sa virus dahil sa tagal ng resulta.Kadalasan na naghihintay na lamang sila at wala silang matanungan.

Maging ang kanilang naipon na dapat ay sa kanilang pamilya ay nagagastos na rin nila , dahil hindi naman umano nakakasapat ang mga pangangailangan na naibibigay sa kanila sa lugar na kanilang pinaglalagakan. Pagkain at mga personal na pangangailangan.

Iisa ang kanilang panawagan sa pamahalaan sana ay maipalabas ang mga resulta ng kanilang COVID test bago o di kaya ay hanggang sa matapos ang kanilang quarantine period.

Nakikipagkaisa naman daw sila sa mga patakaran na ipinatutupad na may kinalaman sa COVID ang hiling lang nila ay ‘wag naman daw silang kalimutan sa lugar na sa kanila ay pinaglagakan.

vuukle comment

OFWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with