^

Punto Mo

Mga nagugutom na Pinoy, dumami dahil sa NPA?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

UMABOT sa 4.2 milyong Pinoy sa buong bansa ang nagugutom dahil sa lockdown na iniutos ni President Digong upang pigilan ang COVID pandemic. Maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil dito at umasa sa ayuda ng gobyerno. Subalit may report ang Philippine National Police (PNP) na inagaw ng New People’s Army (NPA) ang Special Amelioration Program (SAP) para sa mahihirap. Ibinabando ng NPA na tagapagtanggol sila ng mahihirap pero bakit inagaw nila ang pera, supply na pagkain, bigas at sardinas na para sana sa mahihirap sa panahon ng lockdown?

Sa datos ng PNP na may petsang Mayo 6, nagsagupa ng 19 na beses ang NPA at mga sundalo at pulis na namudmod ng SAP sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maliban sa SAP, kinukuha rin ng mga NPA ang mga armas ng mga sundalo at pulis na kanilang tinambangan na ikinagalit ni Digong. Talagang mainit ang mata ng mga rebelde sa mga baril para magamit din nila sa pagpatay sa kapwa nila Pinoy, aniya. Iginiit ni Digong na pinapatay ng mga NPA ang mga sundalo at pulis kahit nakatalikod, nakaharap o nakaluhod at walang pinakakawalan sa mga ito kaya kailangan patayin din sila. Ano ba ‘yan?

Hindi nangimi si Digong na maglagak ng P2 milyon reward sa kung sinumang Pinoy ang makapagtuturo para ma-neutralize ang top commander ng NPA. Nangako rin si Digong na ang witness ay ma-protektahan at ililipat sila sa ibang lugar kung saan bibigyan sila ng bahay at trabaho para hindi mahabol at magantihan ng mga NPA. Araguuyyyy! Hak hak hak! Puwede rin silang ipasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno, di ba mga kosa?

Hindi nakalista sa talaan ng PNP kung magkanong pitsa at halaga ng ayuda ang napasakamay ng mga NPA, ngunit siguradong maraming magsasaka at mangingisda ang nagutom dahil inagaw ng mga rebelde ang pagkain at iba pang supply na para sa kanila. Get’s n’yo kosa?

Matapos ang utos ni Digong noong Mayo 13, halos wala nang ambush at pang-aagaw ng SAP na isinagawa ang NPA. Maaring napagtanto nila na iindahin ito ng mga mahihirap sa malalayong barangay ng bansa o di kaya ay natakot sila sa banta ni Digong. 

May pangalawang SAP na ipamudmod ang gobyerno at ‘yung hindi nakatanggap ng unang ayuda ay maambunan. Upang siguraduhin na makakarating ang ayuda, mga PNP at sundalo na ang mamumudmod sa barangays at island municipalities. Harinawa’y wala nang bakbakan sa mga bataan ng gobyerno at NPA sa second SAP tranche habang nilalabanan ng mga Pinoy ang COVID nang sa gayon ay mabawasan ang nagugutom nating kababayan.Tumpak! Kapag walang bakbakan kasi ang pakikipaglaban sa virus na lang ang aatupagin ng ating mga sundalo’t pulis. Abangan!

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with