^

Punto Mo

Sa kagustuhang ‘paiyakin’ ang dating nobyo, babae sa china nagpadala ng 1,000 kilong sibuyas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa China ang nagpadala ng 1,000 kilong sibuyas sa bahay ng kanyang dating nobyo bilang ganti sa pag-iwan nito sa kanya.

Sandamakmak na sibuyas ang kanyang ipinadala sa pag-asang magdudulot ito ng luha sa dating kasintahan, na sanhi raw ng tatlong araw niyang pag-iyak noong siya’y iniwan nito.

Naisip niyang padalhan ng sibuyas ang lalaki nang malaman niyang ni hindi man lamang ito nalungkot sa kani­lang paghihiwalay.

May kasama pang mensahe ang mga sibuyas na nagsa­sabing pagkakataon na ngayon ng lalaking umiyak matapos ang tatlong araw na luhang idinulot niya sa kanyang dating nobya.

Nang tanungin naman ang lalaki sa isang panayam kung bakit siya nakipaghiwalay sa babae ay isang dahilan­ lamang ang sinabi niya: masyadong ma-drama raw ang pag-uugali nito.

vuukle comment

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with