^

Punto Mo

Eleazar kumilos vs trapik sa ‘new normal’!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAHIL maraming Pinoy ang pinayagang lumabas sa kalye para isulong ang ekonomiya ng Pinas, nagkabuhul-buhol naman ang trapiko sa entry at exit points ng Metro Manila at sa urban centers ng bansa. Kapag nagpatuloy ang sistemang ito, hindi maisusulong ang ekonomiya kundi magdudulot lamang sa pagdami ng kaso ng kinakatakutang COVID-19. Minabuti ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations (DCO) ng PNP na mag-implement ng modified checkpoints. 

Makakatulong kaya ito?

Ipinaliwanag ni Eleazar na nag-adjust sila sa modified checkpoint para maibsan ang sobrang haba ng pila ng motorsiklo at sasakyan sa mga lansangan tulad ng sa boundary ng Marikina City at Cainta, Rizal at sa Zapote flyover sa Las Piñas City at Bacoor City. Naisipan ng IATF na mag-shift sa modified checkpoints dahil pinutakti ng puna ng netizens ang halos hindi gumagalaw na trapiko sa dalawang lugar. Sa ilalim ng modified checkpoints, ipaiiral ang STOP-and-GO o random checking scheme para mapabilis ang pagbiyahe patungo sa kanilang trabaho o pupuntahang lugar.

Ayon pa kay Eleazar, kapag humaba na ang pila ng sasakyan, iiral na ang diskarte ng commander sa checkpoint at kabilang na rito ang paghinto sa pag-check at payagan ang mga moto­rista na magpatuloy sa kanilang biyahe. Get’s n’yo mga kosa? Kapag normal na ang trapiko, puwedeng bumalik uli ang mga pulis sa kanilang istriktong pagtsek sa mga motorista, aniya. Nagbabala si Eleazar sa mga motorista na huwag abusuhin ang modified checkpoints dahil puwede silang hulihin at kasuhan.  

Pinulong din ni Eleazar ang mga mall managers sa bansa para isulong ang mahigpit na pagpatupad ng mga batas ng «Bayanihan to Heal as One Act» sa kanilang mga establisimiento, lalo na ang social distancing, para hindi kumalat ang virus. Sa unang mga araw kasi ng «new normal,» aba nagpalamig o naglamyerda ang mga Pinoy sa mga malls at makikita naman sa pics sa social media na hindi nila pinairal ang social distancing. Ipinaalala ni Eleazar na pumayag ang IATF na buksan ang malls subalit mahigpit na ipatupad ng security managers ang anti-coronavirus protocols sa Modified ECQ at GCQ. “Let us not make the malls the ground zero of the new wave of coronavirus infection. Let us work together to start the normalization of your business while at the same time observing each and everyone’s obligation to protect the health of the Filipino people,” ani Eleazar sa mall security managers. “It all boils down really on the implementation. We trust that all our mall managers already learned the lessons from the incidents in some malls in order to come up with better implementation of our protocols.”

Kasama sa miting sina NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas; Maj. Gen. Emmanuel Luis Licup, hepe Directorate for Operations; Maj. Gen. Roberto Fajardo, hepe ng Civil Security Group (CSG) at mga district directors sa Metro Manila.  Ang panawagan ni Eleazar, kung hindi rin lang importante ang inyong lakad mga kosa, mag-stay at home na lang para maiwasan ang virus. Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with