^

Punto Mo

Mga ‘most at risk’ na empleyado, maari bang pumasok sa trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mayroon po akong diabetes at nabasa ko po na ang mga katulad ko ay delikadong madapuan ng coronavirus. Maari po ba akong pumasok sa trabaho? Kung sakali ay maari ko rin bang hilingin na ako ay mag-work from home (WFH) na lamang? –Tess

Dear Tess,

Ayon sa Interim Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19 na inisyu ng Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment, matatawag na “most at risk” ang mga empleyadong katulad mo na may sakit na nagdudulot ng mas malaking panganib mula sa pagkakahawa sa COVID-19. Kabilang sa mga sakit na nabanggit sa guidelines ay ang diabetes, hypertension, cancer, at iba pa na nagdudulot sa mas mahinang immune system.

Bagama’t hindi naman pinagbabawalan sa pagpasok sa trabaho ang mga katulad mong “most at risk”, pinapayuhan ang mga employers na papasukin lamang ang mga katulad mo kung talagang kinakailangan ang presensya ninyo sa inyong lugar ng trabaho kaya mas mabuti kung magkaroon na lang ng work from home arrangement.

Nakasaad rin sa guidelines na kung kailangan talaga silang papasukin, dapat gumawa ang employer ng paraan upang mabawasan ang panganib para sa kanyang mga empleyadong “most at risk” katulad ng pagbibigay sa kanila ng shuttle service papasok at pauwi ng trabaho.

Mas maganda kung kausapin mo ang iyong employer at ipaliwanag sa kanila ang iyong kalagayan. Mainam kung hilingin mo na ikaw ay mag-work from home na lamang upang maiwasan ang malaking tsansa na mahawa ng COVID-19 dahil­ sa iyong sakit.

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with