^

Punto Mo

EDITORYAL - Sakit mula sa baha

Pang-masa
EDITORYAL - Sakit mula sa baha

NAKATUTOK ang pamahalaan ngayon sa pananalasa ng COVID-19 na sa kasalukuyan, mahigit 12,000 na ang tinamaan. Mahigpit ang pagpapatupad sa social distancing, pagsusuot ng face mask at ang madalas na paghuhugas ng kamay. Ang Metro Manila, Laguna ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagsimula noong Mayo 16 hanggang 31. May pailan-ilan nang establisimento na binuksan pero todo ang pag-iingat.

Ngayong papasok na ang tag-ulan at mayroon nang dumalaw na bagyo, dapat matutukan na rin ng pamahalaan ang mga sakit na nakukuha sa panahong ito. Tiyak nang babaha sa maraming lugar at maraming sakit na nakukuha rito. Dapat maging alerto ang lahat sapagkat maraming kalaban, hindi lang ang COVID-19.

Isa sa mga dapat bantayan ang leptospirosis na nananalasa kapag baha. Ang leptospirosis ay nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Kapag ang virus ay pumasok sa sugat na nasa paa o binti ng taong lumusong sa baha, dito na magsisimula ang leptospirosis.

Nakamamatay ang leptospirosis kaya huwag lumusong sa baha ang may sugat sa paa at binti. O kung lulusong, magsuot ng bota para may proteksiyon sa baha na may ihi ng daga. Noong nakaraang taon, 1,030 kaso ng leptospirosis at 93 ang namatay. Payo sa mga magulang, huwag hayaang maglaro o maligo sa baha ang mga anak.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Ayon sa mga doctor, lumalabas ang mga sintomas makaraan ang pitong araw pagkalusong sa baha na kontaminado ng ihi.

Marumi ang Metro Manila. Maraming basura sapagkat maraming residente ang walang disiplina sa pagtatapon. Sa mga basurang ito nabubuhay ang mga daga. Kapag bumaha, hindi lang basura ang inaanod kundi pati ihi ng daga.

Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga. Ipagpatuloy na ang nakasanayan nang paglilinis na iminulat ng COVID-19 para hindi kumalat ang sakit. Ang kalinisan at pag-iingat ang susi sa mga mapanganib na sakit.

vuukle comment

BAHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with