^

Punto Mo

‘New normal’ unti-unti nang nararamdaman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Unti-unti nang naramdaman ang mga pagbabago nga-yong nakasailalim na ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Mula sa mga lansangan, kapansin-pasin ang lubhang pagdami na uli ng mga sasakyan. Sa ilang lugar aba’y talagang naranasan ang masikip na trapik.

Pinag-uusapan pa lang natin dito  ay mga pribadong sasakyan, wala pa ang mga pampubliko dahil nga sa hindi pa sila pinapayagan sa ilalim ng MECQ. Maliban lang sa mga tricycle at pedicab na pinayagan na ng ilang LGUs sa kanilang lugar.

Baka nga sa araw na ito, mas lalo pang mararamdaman ang pagtungo na natin sa tinatawag na ‘new normal’.

May ilang malls at negosyo na rin na nagbukas, na talagang nakakapanibago.

Mahaba-habang panahon kasi na nasumpungan na nagmistulang ‘ghost town’ ang maraming lugar dahil sa lockdown.

Unti-unti nang nakikita at nararamdaman ang komersyo, na ito ay lubha na talagang kailangan para makabawi sa mga nalugi sa nagdaan.

Sa kabila ng lahat ng ito, lagi sanang isa-isip na nandiyan pa rin ang COVID-19  kaya dapat na masunod ang mga safety measure  na lagi nang ipinaaalala ng mga kinauukulan. Partikular dito ang pagsusuot lagi ng face mask at pagsunod sa social distancing.

Ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal, sana ay mabigyang pansin na rin ng mga kinauukulan lalu na ng LGUs na malinis na ang mga paligid,  partikular sa mga basura na iniwan at patuloy na dulot ng biglaang pagsulpot  ng  homeless o palaboy.

Naku,  kung mag-iikot lamang ang mga opisyal sa mga lungsod o bayan makikita  ang dumi at basurang nagkalat sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila. Baka nga ito pa ang pagmulan na naman ng ibang uri ng mga karamdaman.

Dito dapat madisiplina ang marami, dahil baka na naman tayo bumalik sa dati!

 

vuukle comment

NEW NORMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with