^

Punto Mo

Interest, ipapataw pa rin sa mga utang na na-extend ang due date dahil sa ECQ

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking banko ukol sa “accrued interest” ng aking car loan. Nagulat ako sa laki ng halaga ng interest na halos sinlaki na ng isang buwang monthly amortization. Ipinaliwanag nila na dahil daw ito sa dalawang buwang extension sa due date ng aking buwanang hulog. Tama po ang pagpapataw ng ganoong kalaking interest? – Eman

Dear Eman,

Bagamat kailangan ng mga banko na magbigay ng palugit sa due date ng pagbabayad ng mga utang alinsunod sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, maari pa rin silang magpataw ng interest sa mga buwang hindi nabayaran ang utang dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. Ang ipinagbabawal na interest sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay ‘yung pagpapatong ng interest sa interest ngunit pinapayagan ang accrued interest na ipinapataw sa principal o ‘yung sa mismong halaga na hiniram mo.

Kung may maipapambayad ka naman, maganda kung makikipag-ugnayan ka na sa iyong banko at sabihin sa kanilang hindi mo na kailangan ng palugit at babayaran na ang iyong monthly amortization upang hindi na mapatawan ng interest ang iyong kailangang bayaran.

Sa ilalim din kasi ng Bayanihan to Heal as One Act ay kailangang munang magpaalam ng mga banko sa may utang bago sila mag-“auto-debit’’ kaya hindi nila maikakaltas kaagad sa bank account mo ang iyong monthly amortization kung walang pahintulot mula sa iyo.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with