^

Punto Mo

100-anyos na lola sa Russia, tinalo ang coronavirus

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISA na ngayon ang Russia sa mga bansang may pinakamara­ming kaso ng COVID-19 kaya naman marami roon ang natuwa sa ma­gandang balita na isang 100-anyos na lola ang nakarekober sa corona­virus.

Sinasabing si Pelageya Poyarkova ang kauna-unahang matanda na nakaligtas sa coronavirus.

Nagkataon pang sa mismong ika-100 taong kaarawan niya siya na-discharge sa ospital.

Nahawa raw si Poyarkova mula sa isang pasyente ng ospital kung saan siya regular na nagpapatingin.

Matapos magpakita ng ilang sintomas ng COVID-19 ay iti­nakbo na siya sa ospital kung saan siya na-confine.

Ayon sa ospital, si Poyarkova raw ang kauna-unahang centenarian sa Russia na gumaling mula sa COVID-19.

Tinatayang nasa 242,271 na ang kaso ng coronavirus sa Russia, pangalawang pinakamarami sa mga bansa sa mundo kasunod ng United States.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with