^

Punto Mo

‘Mañanita’, ibinaon ang sakripisyo ni Sinas vs COVID!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

INULAN ng batikos sa social media si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas dahil sa kawalan ng social distancing, at paglabag sa liquor ban sa kanyang “mañanita” noong Mayo 8. Siyempre, dahil sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa, marami ang nagsisigaw kung bakit hayagang sinusuway ni Sinas ang mga health protocol samantalang siya mismo ang nangu­nguna sa pagpatupad nito sa Metro Manila. Para makakuha ng media mileage, marami ring pulitiko ang nakisawsaw sa isyu at may nanawagan pang sibakin si Sinas.

Maging si Interior Sec. Eduardo Año ay nagsabing walang masama sa party ni Sinas kaya lang dapat pinairal niya ang delicadeza rito. Ibinato ni Año kay Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa ang pagdisiplina kay Sinas dahil internal matter ng PNP ito. Araguuyyy! Hak hak hak! May kalalagyan kaya si Sinas sa inutos ni Gamboa na imbestigasyon sa “mañanita” ng una?

Si Sinas at kanyang mga tauhan ay halos dalawang buwan nang nasa “frontline” sa laban sa COVID sa Metro. Dahil birthday niya noong Biyernes, minabuti ng mga opisyales ng NCRPO na salubungin ang kaarawan niya ng munting salu-salo. Ang “mañanita” mga kosa ay isang matandang kinaugalian ng mga Pinoy na haranahin ang may birthday sa madaling araw at ang mga guest ang magdadala ng pagkain at iba pang gift sa may kaarawan. Kaya nagising si Sinas sa harana ng kanyang mga tauhan at siyempre nagkaroon ng kasiyahan at kuhaan ng litrato na ang ilan ay nag-upload sa viber ng NCRPO kung saan napuna ito ng mga netizens na hindi tinantanan ang isyu sa social media. Araguuyyy! Hak hak hak! Mukhang wala namang malisya ang pag-upload ng pics sa viber ng NCRPO, di ba mga kosa? Tumpak!

Mabilis namang nag-sorry si Sinas at tahasang sinabi na wala silang intensiyon na suwayin ang health protocols sa COVID sa kanyang birthday celebration. Iginiit niya na ang ilang litrato na kumalat sa social media ay «edited» o luma na. “Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself however it does not define the totality of what really had happened,” ayon kay Sinas. “Nevertheless, I apologize for what transpired during my birthday that caused anxiety to the public. It was never my intention to disobey any existing protocols relative to the implementation of enhanced community quarantine,” dagdag pa niya.

Ayon kay Sinas panay ang paalala niya sa kanyang mga tauhan na sundin ang health protocols sa gitna ng selebrasyon dahil marami na nga sa hanay nila ang positibo sa COVID at naka-quarantine. Araguuyyy! Hak hak hak! Dahil birthday niya, namigay pa siya ng bigas at pagkain sa mahigit 13,000 pamilya noong Biyernes. Bagama’t sobrang pagod si Sinas sa laban sa COVID, sa isang iglap lang naging kontrabida pa siya dahil lamang sa munting kasiyahan. Araguuyyy! Hak hak hak! Maalpasan kaya ni Sinas ang delubyong dumating sa kanyang buhay bago  magretiro? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with