^

Punto Mo

Maari bang hindi muna magbukas ang exempted na negosyo sa ilalim ng ECQ?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Isa po ang negosyo namin sa mga maaring magbukas sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad sa aming lugar. Sa kabila nito ay nagpasya akong huwag munang ipagpatuloy ang aming operasyon dahil marami po ang kaso ng COVID-19 sa aming barangay. Naaayon po ba sa batas ang desisyon kong ito? --Rolly

Dear Rolly,

May basehan naman sa batas ang desisyon mo na huwag munang ipagpatuloy ang operasyon ng iyong negosyo dahil sa nakaambang panganib na dulot ng COVID-19.

Nakasaad kasi sa Section 1 ng Labor Advisory 1-2020 na inisyu ng Department of Labor and Employment na may “management prerogative” o may kakayahang magpasya ang mga employer na suspendihin ang trabaho sa kanilang mga establisimento upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado.

Sa sitwasyon natin ngayon, hindi maitatanggi ang panganib na dulot ng coronavirus kaya hindi ka masisisi na hindi mo muna ipinagpatuloy ang operasyon ng iyong negosyo lalo na’t ayon sa iyo ay marami pa ring kaso ng COVID-19 sa inyong lugar.

Mas malaking problema kung magkakasakit ang mga empleyado mo dahil sa coronavirus kaya mas mabuti nang unahin mo ang kanilang kaligtasan kaysa sa kikitain ng iyong negosyo sa muli nitong pagbubukas.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with