^

Punto Mo

Celebrities na makunat mag-tip

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NARITO ang iba’t ibang kuwento ng  Hollywood celebrities tungkol sa kakunatan nila sa pagbibigay ng tip:

Britney Spears: Habang kumakain ang grupo ni Britney sa Holywood’s One Sunset, tinawag niya ang waiter at inutusang ibili siya ng kape sa Starbucks na malapit lang sa restaurant. Walang ibinigay na pera si Britney. Nahihiya naman ang waiter na humingi ng pera. Siyempre, artista. Pera muna ng waiter ang ibinili ng kape. Pagkatapos kumain ay binayaran ni Britney ang kinain nila. Umalis ang grupo na walang ibinigay na tip, hindi pa binayaran ang waiter sa ipinambili nito ng kape.

Usher: May reputasyon ang singer na ito na umiwas magbayad kapag isang grupo silang kumain sa isang restaurant. Hinahayaan niyang mga kasama ang magbayad ng kanilang kinain. Kung ganoon, paano mo siya aasahang magbigay  ng tip. Kapag kumain nang nag-iisa, autograph niya sa resibo sa halip na tip ang kanyang iniiwan kahit wala namang humihingi sa staff ng restaurant.

Mariah Carey: Ang kuwentong ito ay nalathala pa sa New York Post. Isang malaking grupo ni Mariah Carey ang kumain sa restaurant. Magsasara na ang restaurant pero nagkakasayahan pa ang grupo. Nang kausapin sila ng manager na magsasara na sila, sapilitang hiniling ng grupo na i-extend ang oras ng kanilang “stay”. Pinagbigyan ng restaurant ang kahilingan. Ilang oras na na-extend ang trabaho ang staff pero wala man lang tip na ibinigay ang grupo.

Madonna: Si Madonna at entourage niya ay umukopa ng 28 rooms sa The Bryant hotel sa New York. Halos maluka-luka ang buong staff sa dami ng requests at demands ng grupo. Pero sa bandang huli, wala man lang tip na natanggap ang staff ng hotel.

Barbara Streisand: Isang grupo silang kumain sa isang sikat na restaurant sa New York City. Ang total bill nila ay $457. Pagkatapos ng walang katapusang demands at pagiging “rude” nito sa staff ng restaurant, nag-iwan siya ng $10 tip. Mga 2% lang ito ng kanilang pinagbayaran. Ang “appropriate” tip ay10 percent ng total bill.

Bill Cosby: Nag-tip ito ng $3 matapos kumain ng nagkakahalagang $375 dinner. Hindi pa umabot sa 1% ang kanyang tip.

vuukle comment

CELEBRITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with