^

Punto Mo

Magkasintahan sa New York, ini-advanced na ang pagpapakasal dahil sa pandemic

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING plano ang nasira dahil sa pananalasa ng COVID-19 sa mundo. May mga hindi natuloy na family events, reunions, sports tournament, cultural festivals at maski ang pagsu-shooting ng bagong pelikulang James Bond.

Kaya ipinasya ng magkasintahang sina Reilly Jennings at Amanda Wheeler na i-advanced na ang kanilang kasal. Orihinal na nakatakda ang kasal nila sa darating na Oktubre.

Pero ipinasya nilang magpakasal na noong nakaraang Sabado sapagkat hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa Oktubre dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa US.

Ikinasal sa kalsada ng New York sina Reilly at Amanda. Ang kaibigan nilang si Matt Wilson ang nag-officiate sa kasal habang nasa bintana ito ng apartment sa fourth floor. Kailangan kasi nilang sumunod sa social distancing.

Maraming kapitbahay nila ang nakasaksi sa kasalan pero nasa bintana lamang sila. Bawal silang lapitan para batiin.

vuukle comment

NEW YORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with