^

Punto Mo

Isumbong, nagko-korap sa SAP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na umano magbibigay ng ekstensyon ang DILG para sa pamamahagi  ng mga local government units sa social amelioration program (SAP) sa kanilang mga nasasakupan.

Dapat umanong naipamahagi na ang mga ito sa mga bene­pisyaryo hanggang bukas (Mayo 7) lamang.

Sa ulat ng DILG, sa pangkalahatan ay nasa 75 percent na sa buong bansa ang nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng SAP.

Kaya ang natitirang 25 percent ay kailangang maipamahagi hanggang bukas.

Sa kabila ng maliit na lamang na porsiyento na pagkakalooban, higit na marami pa ang nagsasabi na hindi pa nila natatanggap ang ayuda kahit sila ay benepisyaryo pa nito.

May ilan naman na nakatanggap ang nagbunyag na ang ilang bahagi ay kinukulimbat ng ilang opisyal partikular sa barangay.

Kaya  nagalit na naman ang Pangulong Digong na nag-alok pa nga ngayon ng P30K pabuya sa sinumang makapagtuturo at makapagpapatunay sa mga local government official na nagkorap sa SAP.

May isang insidente kasi na nangyari sa Bulacan kung saan nahuli sa video ang isang barangay kagawad na kinukulimbat ang P3,500 mula sa P6,500 cash na natanggap ng kanyang mga ka-barangay.

Kaya ayan, masusing imbestigasyon ang isinagawa at iniutos sa PNP para tukuyin ang mga nagkokorap sa SAP.

O di ba, klasik ang mga ito na alam na alam na sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng ayuda ang mga kapuspalad o mahihirap dahil sa naganap na pandemic kahit pa nga maubos ang kaban ng bayan, pero sila ang gustong kumita rin.

Sila pa naman na pinagkatiwalaan, sila ang nagsasamantala at sa kanila pang nasasakupang paglingkuran.

Naku, umayos-ayos kayo , dahil kapag nakarating yan ay Pangulong Digong, malamang na may pagkalagyan kayo.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with