^

Punto Mo

EDITORYAL - COVID at dengue

Pang-masa
EDITORYAL - COVID at dengue

NAGPAPAHIWATIG na ang maagang pagpasok ng tag-ulan. Tuwing hapon o gabi ay bumubuhos ang ulan. Gayunman, sinabi ng PAGASA na malayo pa ang tag-ulan at wala pang dapat ikabahala. Maaari umanong pumasok ang tag-ulan sa unang linggo ng Hunyo.

Kapag sumapit ang tag-ulan, tiyak na ang mga pagbaha. At kapag tagbaha, dito na sumu­sulpot ang iba’t ibang sakit at nangunguna na rito ang dengue na dala ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti.

Sa kasalukuyan, nananalasa ang COVID-19 sa bansa na umabot na sa mahigit 7,000 ang kaso. Nakapaghahatid ng takot na maaaring dalawang sakit ang manalasa sa tag-ulan – ang COVID at dengue. Ini-extend ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mindoro provinces hanggang Mayo 15. Layunin na mapababa pa ang pagkalat ng virus sa mga nabanggit na lugar sa nasabing petsa.

Maraming naniniwala na sa maigting na pagpapatupad ng social distancing at hindi paglabas ng bahay ng mga tao, makokontrol ang virus. Sana maipatupad ito para matapos na ang problema.

Kung dalawa ang sakit na mananalasa sa bansa paano na ang mga Pinoy na masyadong dapa na dulot ng coronavirus pandemic. Ugaliin ang paglilinis sa kapaligiran para maiwasan ang dengue. Noong nakaraang taon, uma­bot sa 106,630 kaso ng dengue ang naitala at 456 katao ang namatay. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, at pag­susuka.

Malalabanan ang dalawang sakit na ito sa pamamagitan ng kalinisan. Kailangan din ang pagtutulungan at ang pagsunod sa mga alituntunin para hindi kumalat ang sakit lalo na ang COVID na hindi nakikitang “kalaban”.

Sama-samang labanan ang mga nabanggit na sakit na pumapatay sa sangkatauhan.

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with